^

PSN Showbiz

Bagong karibal ni James kay Nadine may kamukha!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

May aagaw ng limelight sa JaDine sa bagong teleserye ng ABS-CBN na Till I Met You. Ito ang ipinakikilala sa serye na nagngangalang JC Santos. Isang baguhang mukha sa maraming manonood ng TV, pero malaki at importante ang role na gagampanan niya sa bagong serye nina James Reid at Nadine Lustre na sa mga trailer at teaser pa lamang ay parang mapapantayan ang tagumpay ng On The Wings of Love.

Pero dapat ay makilala pa nang husto si JC na may problema dahil look alike siya ni Joseph Marco.

Mabuti na lamang at isinali siya sa isang magandang teleserye at ginawang third wheel ng JaDine na dapat ay magawa niyang isang magandang panulak sa kanyang sinisimulang trabaho.

John Lloyd at Maja ayaw tantanan!

Kung enjoy man sa company nila sina John Lloyd Cruz at Maja Salvador, hindi maglalaon ay kinakailangan nilang klaruhin kung friendship ba itong nakikita sa kanila or something more deep and close.

Batid na ng mga tagasubaybay ng showbiz ang kanilang madalas na rendezvous at bagaman at itinatanggi nila na may kapupuntahan ito, iba pa rin ang gustong isipin ng tao sa kanilang dalawa. Kahit ang sinasabing balikan nina John Lloyd at Angelica Panganiban ay hindi nakakahandlang para pag-isipan ng romansa ang dalawa.

Matteo gusto pang pagkontrabidahin ng fans

Nakita na ni Matteo Guidicelli ang mabilis na paglago ng kanyang pag-arte nang gumanap siyang kontrabida sa Dolce Amore. Talagang marami ang kanyang pinahanga sa role ng isang nagpahirap sa tambalang Liza Soberano-Enrique Gil.

Welcome kay Matteo ang pagiging isang kontrabida. Sampung taon na siyang artista at isang magandang hakbang ito tungo sa pagiging versatile niya sa kanyang trabaho. If Kris Aquino can be a Queen Of All Media, puwede rin si Matteo dahil bago ito nag-artista ay isa muna itong car racer champion. Isa rin itong triathlon athlete at sa malas ay naiimpluwesyahan niya sa kanyang hilig sa sport ang girlfriend niyang si Sarah Geronimo. Nakasama nga niya ito sa pag-akyat niya sa isang bundok na balitang nagbigay ng alalahanin sa mga magulang ng Pop Princess.

Matteo is celebrating his 10th year anniversary in showbiz with a big concert, pero ang followers niya ay umaasam na mabibigyan siyang muli ng isang kontrabida role. Pero ang tanong ay gugustuhin ba ni Sarah na makilala siyang tuluyan bilang kontrabida?

‘Career’ nina Sharon, Lea at Bamboo nakasalalay sa tatlong bata

Panay ang pagpu-promote ng Top 3 ng The Voice Kids para sa grand finals ng sikat na singing contest para sa mga bata na magaganap ngayong Sabado at Linggo (August 27-28) sa Kapamilya Network.

Bagaman at nakakatulong ito para mas makilala pa ang three grand finalists, at the same time ay napupulaan sila kapag sumasalto sa kanilang performance ‘pag hindi nila naaabot ang pinakamataas nilang nota o nawawala sila sa tono. ‘Yung mga gumagabay sa kanila should see to it na makakaya nila ang piyesang binabanatan nila para hindi sila mapintasan ng manonood at lalo na ‘yung mga coaches nilang sina Sharon Cuneta, Lea Salonga at Bamboo.

Juancho hindi inasahan na magiging singer

Never in-expect ni Juancho Trivino na mapapakinabangan niya ang kanyang boses. Confident siya sa maraming aspeto ng kanyang personalidad, like yung pag-arte, hilig sa sports at maging ang paminsan-minsa’y paghu-host sa Unang Hirit. He was also hopeful na makapagpamalas ng kanyang kakayahang magpatawa sa Bubble Gang, pero may coflict ito sa sked niya sa Makaibang Mundo.

Sa ngayon ay concentrated siya sa pagiging duwende sa Magkaibang Mundo na first time niyang pinagbibidahan kapartner ni Louise delos Reyes. Pero marami ang magugulat na makuha siya para mag-front act kay Julie Anne San Jose sa gig nito sa PAGCOR.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with