^

PSN Showbiz

Aga babawi sa anim na taong pamamahinga

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Marami ang natuwa sa muling pagbabalik-showbiz ng dating matinee idol na si Aga Muhlach na matagal-tagal ding nagpahinga sa harap ng camera.

Marami ang nakakaalam na naging contract star siya ng TV5 sa loob ng tatlong taon at ang natirang tatlong taon ay ginugol niya sa kanyang sarili at pamilya na sobra niyang in-enjoy.  Ang problema nga lamang ay napabayaan niya ang kanyang sarili at siya’y tumaba. Pero ang maganda kay Aga, magaling ang kanyang disiplina. Hindi talaga siya humarap sa media na hindi nanunumbalik sa dati ang kanyang katawan.

He’s more than ready for a much-needed comeback at natutuwa siya dahil naroon pa rin ang mainit na pagtanggap sa kanya hindi lamang ng publiko kundi ng kanyang dating home studio, ang ABS-CBN na naging tahanan niya sa loob ng maraming taon.

Ang reality program na Pinoy Boyband Superstar ang comeback project ni Aga kasama sina Vice Ganda, Yeng Constantino at ang Korean K-Pop star na si Sandara Park.

Bukod sa reality singing competition, may naghihintay na rin umanong movie project kay Aga, ang balik-tambalan nila ni Lea Salonga na dalawang beses na niyang nakapareha.

Aminado si Aga na na-miss niya ang pag-arte.

Samantala, kung ang mag-asawang Aga at Charlene Gonzales lamang ang masusunod, mas gusto nilang magtapos muna sa kanilang pag-aaral ang kanilang anak na kambal na sina Atasha at Andres (15) kesa mag-showbiz.

Paolo naghahanda na sa pagbalik

Marami na ang excited na muling mapanood sa Kalyeserye ng Eat Bulaga ang isa sa tatlong lola na si Lola Tidora na ginampanan ng suspendidong si Paolo Ballesteros.

Anim na buwan ang sinabing suspension ni Paolo na may kinalaman sa kanyang pagra-rant on social media matapos nitong hindi siputin ang hosting job nila nina Jose Manalo at Wally Bayola sa isang ad summit gala na sponsored ng TAPE, Inc.

Samantala, dumaan din sa problema noon sina Jose at Wally kaya pansamantala rin silang hindi napanood sa Eat Bulaga. Si Jose ay may kinalaman sa kanyang ex-wife na si Annalyn habang si Wally naman ay may kinalaman sa kinasangkutan niyang sex video scandal pero ito’y pareho na nilang nalagpasan.

Kring-Kring sasabak uli sa pelikula

Excited na ang panganay na anak ng mag-asawang Alfred at Kring-Kring Romualdez na si Sofia Romualdez (17) dahil matutupad na rin ang matagal niyang pangarap na magkaroon ng sariling album under Viva Records.

Si Sofia ay pumirma ng isang exclusive management contract with Viva Artists Agency na siyang mamahala sa kanyang career sa tulong ng inyong lingkod.

Isa sa top priority ni Sofia ay ang magkaroon ng sarili niyang album dahil singing talaga ang kanyang focus.

Maraming plano ang big boss ng Viva Entertainment na si Boss Vic del Rosario kay Sofia. Bukod sa recording, gusto rin niya itong gumawa ng mga product endorsements.

Na-impress si Boss Vic sa ganda ng boses ni Sofia bukod pa siyempre sa ganda nito na kanyang minana sa kanyang celebrity parents na sina dating Tacloban mayor Alfred Romualdez at present mayor na si Cristina “Kring-Kring” Romualdez.  Labas pa rito ang pagiging apo ni Sofia ng dating matinee idol na si Jose Mari Gonzales na naging kongresista rin noon sa San Juan City.

Bukod sa pagkanta, Sofia is into composing songs. Tumutugtog din siya ng gitara, piano at drums and looking forward to her first concert kung saka-sakali.

Samantala, kinausap din ni Boss Vic si Kring-Kring na kukunin din niya ito sa ibang movie projects na produced ng Viva Films bagay na sinang-ayunan naman ng misis ni Alfred Romualdez. “If it’s a good project, I’ll do it,” pakli ni Kring-Kring who is equally excited sa bagong career na pinasok ng kanyang panganay na si Sofia.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with