^

PSN Showbiz

Matteo nagpapaka-realistic kaya ayaw pang pakasalan si Sarah!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Mahigit dalawang taon nang magkasintahan sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo. Ayon sa aktor ay hindi pa raw nila napag-uusapan ni Sarah ang tungkol sa pag-iisang dibdib. “Siyempre we have to be realistic with ourselves. Being realistic with ourselves is very, very important. The day will come kumbaga. Hindi pa,” bungad ni Matteo.

Kahit hindi pa napag-uusapan ang pagpapakasal ay nakikita naman na raw ng binata na si Sarah na ang kanyang makakasama sa habangbuhay. “Siyempre hindi na tayo maglalaro-laro kasi 26 na tayo. I think I know what I want for my future. But anything can happen. We have to be realistic. We just have to be the best version of ourselves and prepare for the future,” paliwanag ni Matteo.

Sa ngayon ay ini-enjoy na lamang muna ng magkasintahan ang kanilang relasyon. “She brings a lot to the table and I have my own things to bring to the table. I guess we complement each other. We are not the same in many things and marami kaming mga opposites but I think when two opposite people come together, they make the fuller and make it better,” makahulugang pahayag ng aktor.

Para kay Matteo ay malaki na ang ipinagbago ng kanyang pagkatao mula nang naging kasintahan ang singer-actress. “We influence each other with different things and good things. She just changes me. She makes me feel better. She makes me feel like I have wings. She makes me feel happier and better,” pagbabahagi ng aktor.

Samantala, ikinagulat daw ng pamilya ni Matteo nang mapabalita kamakailan na buntis na diumano si Sarah. “Nag-text nga ‘yung mga tita, tito ko, congratulations daw. Sabi ko, ‘Ano ba kayo?’ Minsan mga engagement, nag-text ‘yung iba na congratulations. Siyempre sabi ko, ‘Tita mga tsismis lang ‘yan. Huwag muna maniwala,” natatawang kwento ng binata.

Liza ayaw nang puro ganda ang pinupuri

Itinuturing na isa si Liza Soberano sa may mga pinakamagagandang mukha sa show business. Hindi naman daw ito masyadong nararamdaman at iniisip ng aktres. “I don’t know why pero for some reason I don’t feel it. Iba ‘yong definition ko of beauty, I guess,” nakangiting pahayag ni Liza.

Aminado ang dalaga na mayroon din siyang hinahangaang kagandahan katulad nina Kendall Jenner at Audrey Hepburn. “I like the very simple type of beauty, but very elegant,” giit niya.

Nagpapasalamat si Liza sa lahat ng papuri na kanyang nakukuha mula sa mga humahanga sa kanyang kagandahan. Sana raw ay hindi lamang siya maalala ng mga tagahanga bilang maganda ngunit bilang isang aktres at isang mabuting tao rin. “Minsan feeling ko, ‘yon lang ang nakikita eh. I don’t want it to be like that,” pagtatapos ni Liza.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with