^

PSN Showbiz

Sharon bumalik na ang self-confidence! Libro ni Vice Ganda nakakahilo raw

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Masipag nang mag-post si Sharon Cuneta sa social media ng mga litrato niya dahil sa kanyang pagpayat. Bumalik ang confidence at self-esteem ni Sharon dahil hindi na siya obese.

SEEN: Si Bela Padilla ang may pinakamahaba na role at exposure sa Camp Sawi. Nag-umpisa at natapos ang kuwento ng Camp Sawi sa mga eksena ni Bela.

SCENE: Nagmamadali na umalis si Andi Eigenmann sa premiere night ng Camp Sawi sa SM Megamall Cinema noong Martes pero pinagbigyan niya ang lahat ng fans na nag-request ng photo-op na kasama siya.

SEEN: Ang pasasalamat ni Senator JV Ejercito sa mga mensahe ng suporta mula sa kanyang sympathizers. Ninety days ang suspension ng Sandiganbayan kay JV bilang senador dahil sa graft case na isinampa laban sa kanya.

SCENE: Dapat palitan ni Jerico Ejercito ang kanyang hairstyle para hindi siya mapagkamalan na tomboy. Hindi pang-Regal Baby at hindi star material si Jerico sa kanyang Donald Trump inspired hairstyle.

SEEN: Aubrey Carangal ang pangalan na tinawag ni Jasmine Curtis Smith sa raffle draw sa The PEP List Awards noong Linggo. Ang GMA-7 entertainment reporter na si Aubrey Carampel ang winner.

SCENE: Akmang-akma ang pamagat na President Vice: Ang Panggulo ng Pilipinas sa libro ni Vice Ganda na nakakalito na basahin dahil magulo ang layout ng bawat pahina. Harang ang sigaw ng mga na-sweet talk na bumili ng kopya ng libro ni Vice.

SEEN: Nag-place ng repeat order ang magazine at book shops na nagbenta ng In My Own Words, ang libro ni Alden Richards dahil sold-out ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with