^

PSN Showbiz

Tom kailangang lumaban kay Lovi!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Kung maraming manonood ang naiiyak sa character ni Lovi Poe sa bagong teleserye ng GMA dahil nawawala ang character niya sa alaala ni Tom Rodriguez na gumaganap bilang asawa niya na may Alzheimer’s disease, doble ang effort na kaila­ngang gawin ng aktor para masabayan ang ga­ling sa pag-arte ng kapareha. Kapag hindi niya ito magawa ay mabibigo ang mga bossing niya sa GMA na umaasang mayroon pa siyang ibububuga.

Maxene sinusuwerte, Elmo inaalat ang paglipat

Happy si Maxene Magalona na hindi binigo ng younger brother niyang si Elmo Magalona ang pagkakataon na ipinagkaloob sa kanya ng ABS-CBN para pangunahan ang Born For You bilang first project nila ni Janella Salvador. Mas mabilis itong tinanggap ng manonood kaysa sa kanya na parang sa Doble Kara pa lamang nagsisimula ang kanyang karera sa Kapamilya.

Hindi rin expected ng nakatatandang sister ni Elmo na magiging effective siyang kontrabida. First time niyang magpagalit ng manonood nang hindi niya kinakailangang sumigaw at magtaas ng kilay. She feels fulfilled na nagagawa niya ito.

Opposite naman ito ng role ni Elmo sa BFY. Sa simula ay nagbigay sila ng kilig ni Janella sa mga manonood, pero sa kalaunan ay nainip na ang mga ito dahil sa mabagal na pag-usad ng kanilang romansa.

Kung ang DK ni Maxene ay umabot na ng isang taon sa ere, balitang hindi mai-extend ang Born For You. Kung sakali, sino na ang mabibigyan ng kasalanan dito, ang Elmo-Janella ba o ang kuwento nina Sam at Kevin?

Jake dapat makaisip ng bagong gimik

Mukhang maiiwan nang milya-milya si Jake Vargas ng mga Kapusong makakasama niya Oh, Boy! concert na sina Derrick Monasterio, Rocco Nacino at Aljur Abrenica. Alam na kasi ng mga tagasubaybay ng showbiz ang magandang pangangtawan ng tatlo kaya tanggap na nila ang pagkatalo ng dating alaga ng namamayapang discoverer of stars na si Kuya Germs.

Onyok galing din sa broken family

Produkto rin pala ng broken family si Xymon “Onyok” Pineda. Bukod sa napapanood na ito sa mga TV commercial na kung hindi niya solo ay may kasama siya at gumawi na rin sa paggawa ng movies. Nakuha rin itong endorser ng isang line of clothing na magagamit niya sa kanyang mga palabas.

Sa poder ng kanilang ina ito lumalaki at hindi sa nakahiwalayan nilang ama ng nag-iisa niyang kapatid.

Kris hindi pinapatulan nina Boy at Deo?!

Matapatan kaya ni Kris Aquino ang matagumpay na slot ng Magandang Buhay na hosts sina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros? Balitang isang morning show ang gagawin para sa kanya ng GMA at kahit hindi ito itatapat sa palabas ng ABS-CBN, maituturing pa rin itong kalaban ng MB.

Kung marami ang hindi rumerespeto sa Queen Of All Media, hindi ang mga manager niya sa kanyang TV and movie projects na si Deo Endrinal at Boy Abunda, na siya namang nangangasiwa ng kanyang mga product endorsement. Quiet lamang ang dalawang nabanggit na pangalan sa mga kasalukuyang kaganapan sa buhay ng da­ting Kapamilya TV host.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with