^

PSN Showbiz

Lovi windang sa biglang pagdadaldal ni Rocco; Mister ni Sunshine nagpa-planong bumuwelta

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Pabiro ang sagot ni Edu Manzano na pera ang dahilan kung bakit bumalik siya sa pag-arte sa TV. Kaya lang hindi na raw siya adjusted sa setup, lalo na pagdating sa oras ng mga taping ng mga drama series sa ngayon.

Ang isang dahilan kaya bumalik talaga siya sa pag-arte ay dahil wala na raw siya gaanong kilala sa mga bagong artista sa ngayon.

Pahayag ng actor/TV host, “In all this time na tumigil na ako sa pag-aartista, wala na akong kilala. Actually, ang mga media mas kilala ko pa kesa pa dun sa mga bagong artista.

“’Pag nagbubukas ako ng TV, hindi ko na kilala ang mga artista. Naging bahagi ako ng industriya for 30 years, tapos naging presidente pa ako ng KAPPT, naging chairman pa ako ng Optical Media Board (OMB), everything was industry-related. All of a sudden I found myself not knowing anyone anymore. Parang ang dami kong nasayang.”

Nagpapasalamat siya sa GMA-7 sa magandang pakikitungo sa kanyang pagbabalik.

Kabilang si Edu sa bagong drama series ng GMA Telebabad na Someone To Watch Over Me na tinatampukan nina Tom Rodriguez, Max Collins at Lovi Poe. Pinuri ni Edu ang work e­thics ng mga co-stars niyang sina Tom, Max at Lovi kung paano raw nila sineryoso ang kanilang trabaho.

Magsisimula na sa September 5 ang Someone To Watch Over Me.

PAK: Nagulat si Lovi Poe kung bakit nagsalita raw si Rocco Na­cino at sinabi nitong hindi mutual decision ang break-up nilang dalawa. Sabi ni Rocco sa presscon ng concert nilang Oh, Boy!, marami siyang questions na hindi pa nasagot.

Nagulat si Lovi nang mabasa raw niya ito dahil maayos naman nilang napag-usapan ang tungkol sa break-up.

Pahayag ng Kapuso actress, “I was surprised na siyempre I was expecting that some things should be kept private sana, at saka even if I’m the one who initiated it, hindi ko naman dapat ipagsabi ‘yun sa lahat.

“Since sinabi naman po niya, siguro kung meron siyang gustong iparating sa akin, puwede naman niyang ideretso sa akin. Ako rin kung may gusto akong iparating sa kanya.”

BOOM: Nakausap namin kamakalawa ang estranged husband ni Sunshine Dizon na si Timothy Tan, at sinabi niyang malapit na raw siyang magsalita kaugnay sa gulong kinasasangkutan ngayon ni Sunshine at ng babaeng nadamay na si Clarisma Sison.

Sabi ni Timothy, magsasalita raw siya kung ano talaga ang namagitan sa kanila ni Clarisma. Pati raw ang agenda ng mga out of the country trips nila ay kanyang ipaliliwanag. Kailangan na raw ni Timothy na magsalita para maging malinaw ang lahat at lumabas kung ano ang buong katotohanan.

Abangan na lang ang pagsasalita nito sa press kasama ang dalawa niyang legal counsels na sina Atty. Ruth Castelo at Atty. Peter Sanchez.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with