^

PSN Showbiz

Edu may mystery girl

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Fashion victim ang young star na si Ylona Garcia nang dumalo ito sa The PEP List Awards. Parang regalo na ibinalot si Ylona dahil sa kanyang pink gown na may ribbon na malaki.

SCENE: Pre-empted ng isang cellphone camera greeting ang plano ni Sharon Cuneta na ipakita ng exclusive sa The Voice Kids ang kanyang new look.

SEEN: Althea ang pangalan ng mystery girl sa buhay ni Edu Manzano na ginamit nito na escort sa press launch ng Someone To Watch Over Me noong Lunes. Mabentang-mabenta sa lahat ang naisip na pagpapatawa ni Edu.

SCENE: Ngayon ang grand opening sa mga sinehan ng Camp Sawi ng Viva Films. PG ang classification ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa pelikula nina Andi Eigenmann, Bela Padilla, Arci Muñoz, Kim Molina at Yassi Pressman.

SEEN: Hindi totoo ang tsismis na lilipat sa ibang television network si Julie Anne San Jose dahil nag-renew siya ng exclusive contract sa GMA-7 noong Lunes.

SCENE: Binura ni Dulce ang Facebook rants nito laban kay Senator Leila de Lima pero nire-repost niya ang mga article tungkol sa kanyang mga hinaing sa dating Justice Secretary. #Inconsistent.

SEEN: Wala sa kanyang ambisyon ang ma­ging pulitiko ang sagot ni Dulce sa mga naghihinala na may plano siya na pumasok sa pulitika dahil sa Facebook rants niya laban kay Senator Leila de Lima.

SCENE: Kakaiba ang sense of humor ni Tom Rodriguez dahil siya lang ang natatawa sa mga sinabi niya sa presscon ng Someone To Watch Over Me.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with