^

PSN Showbiz

Kaya ‘di matanggal: Show nila Jolina, Karla at Melai mas nag-rate raw kesa sa dating show ni Kris!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Manggulat kaya si Kris Aquino sa kanyang pagbalik at sabihing sa ABS-CBN pa rin siya kahit si Mr. Tony Tuviera na identified sa GMA 7 ang manager niya?

Isang insider kasi ng Kapamilya Network ang nagsabing bawal pang maglabas ng story sa kanilang website dahil plano umanong makipag-usap ng isang executive ng Dos na kamag-anak ni Mr. Tuviera kay Kris. Hindi raw ito ‘yung executive na pinaalaman ni Kris at nagbigay ng blessing sa kanya sa pagpirma kay Mr. Tuviera dahil wala nga silang maibigay na timeslot sa umaga.

As of presstime kasi, hindi pa nagpaparamdam si Kris sa social media matapos siyang mag-solong umalis base sa kanyang post sa Instagram. Four days ago ay nag-post ito na magmi-me time siya with matching quote na “never miss a good chance to shut up” na may caption na “can & I will…Let me shock you with my silence.”

Anyway kuwento nga pala ng isang director na talent manager din na kaya hindi napagbigyan ng ABS ang gusto nitong timeslot ay dahil nagri-rate ang programang Magandang Buhay na ang host ay sina Jolina Magdangal, Melai Cantiveros and Karla Estrada. In fact, mas mataas daw ang rating ng nasabing morning ng tatlo kesa sa Kris TV.

Camp Sawi naka-A

Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang pelikulang Camp Sawi na showing na sa mga sinehan simula ngayong araw.

Bida rito sina Bela Padilla, Andi Eigenmann, Kim Molina, Yassi Pressman and Arci Munoz with Sam Milby and with the special participation of Dennis Trillo.

Nasapul sa pelikula ang mga kagagahan ng mga sawi ang puso na nagsama-sama sa isang camp na merong guwapong may-ari.

Idnirek at sinulat ito ni Irene Villamor na base sa pelikula, magkasing-husay silang magdirek ni Antonette Jadaone.                                                                         

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with