^

PSN Showbiz

Boy Abunda ayaw makisawsaw sa paglipat ni Kris?!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Parehong tahimik pa rin ang kampo ni Kris Aquino at ni G. Tony Tu­viera, ang big boss ng TAPE, Inc., APT Entertainment at Triple A Talent Management na may kinalaman sa paglipat uma­no ng Queen of All Media. Hindi rin nagsasalita sina Deo Endrinal at King of Talk na si Boy Abunda hinggil sa issue.

Tulad ng alam ng lahat, si Deo ang (da­ting) namamahala sa TV and movie projects ni Kris habang si Boy naman sa mga product endorsements ng dating presidential sister.

Hinihintay na rin ng publiko ang magiging offi­cial announcement ni G. Tuviera at maging ng GMA kung saan nakatakda umanong magka­roon ng daily morning show ang Queen of All Media.

Ngayong balik-GMA si Kris tulad ng ginawa ng dati niyang BFF (as in best friends forever) na si AiAi delas Alas, manumbalik kaya ang closeness ng dalawa na nagkaroon ng lamat nung sila’y kapwa pa nasa Kapamilya Network?

Samantala, ngayong wala na ang daily morning talk show ni Marian Rive­ra na Yan ang Morning, tiyak daw na ang dating time slot ni Marian ang ibibigay kay Kris at ma­lamang direktang makatapat ng Magandang Buhay nina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros sa Kapamilya Network.

Onyok ibinuko sina Coco at Julia!

Ang five-year-old kid na si Xymon Ezekiel Pineda na mas kilala bilang si Onyok sa hit primetime TV series na FPJ’s Ang Probinsyano ng ABS-CBN ay humarap sa ilang entertainment writers last Sunday afternoon na may kinalaman sa kanyang pagiging celebrity endorser ng Hammerhead for Kids T-shirts na pag-aari ng pamilya Ong na pingungunahan ni G. Mario Ong.

Aware si Onyok na sikat siya dahil maraming nag­pa­pa-picture sa kanya kahit saan man siya magpunta.

Lumalaki na ba ang ulo niya dahil sikat na siya? “Ay, hindi po,” deklara niya.

Ano ang pakiramdam ni Onyok ngayong image model na siya? “Masayang-masaya po dahil mara­mi po akong damit na pinapadala nila sa akin,” walang kagatul-gatol na pahayag nito.

Ano naman ang ginagawa niya sa perang kinikita niya? “Nakatabi po sa bangko,” aniya.

Kahit limang taong gulang pa lamang si Onyok napakatatas nitong magsalita. Sinabi rin niya na na­ka­bili na siya ng sariling sasakyang (Ford Eve­rest) dahil mahirap daw mag-commute at kumuha ng taxi. Kaya raw siya nag-iipon dahil gusto niyang makabili ng bahay na titirahan nila ng mommy niya at bunso niyang kapatid na si Art (2).

Hiwalay na ang mommy ni Onyok sa kanyang daddy at silang dalawang magkapatid ay nasa pa­nga­­ngalaga ng kanilang ina.

Sinabi rin ni Onyok na mahal na mahal niya ang kanyang Kuya Coco dahil bukod sa mabait, binibig­yan umano siya ng toy at isinama minsan sa bahay nito kung saan siya nag-swimming.

Tinanong din namin ni Onyok kung sino ang girlfriend ng kanyang Kuya Coco. “Si Ate Julia (Montes) po!” agad niyang tugon.

“Kasi nakikita ko po sila sa Instagram,” dugtong pa ni Onyok.

Tinanong din namin si Onyok kung dumadalaw ba sa set ng Ang Probinsyano si Julia. “Hindi po.”

Nakakaaliw na kausap si Onyok dahil may sense na itong magsalita considering na limang taong gulang pa lamang siya.

At five, grade one na si Onyok.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with