^

PSN Showbiz

Angel at Marian bagong mag-BFF!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Walang network war sa pagitan nina Angel Locsin at Marian Rivera. Parehong gumanap ng Darna ang dalawa. Nababasa ng lahat ang pagpapalitan nila ng mga mensahe sa social media at marami ang nasiyahan sa mga caricature na lumabas na naka-Darna costume.

Magandang senyales ito ng friendship ng dala­wa na kahit kabilang sa magkaibang TV network ay hindi naapektuhan ang friendship. Dapat sigurong sundan ito ng mga kapwa nila artista ng magkakalabang istasyon, dapat magkaroon sila ng common ground na mapag-uusapan para naman istasyon lang nila ang nag-aaway, sila hindi.

Sharon hindi pa pinu-push ang career ni Frankie

Unlike her Megastar mom na malaki ang tulak ng ama at dating mayor ng Pasay na si Pablo Cuneta, si Frankie Pangilinan ay parang iniaasa ng kanyang dad na si Sen. Francis Pangilinan ang kapalaran sa showbiz. Not even her popular mom was around nang parang ilunsad ang kanyang karera sa showbiz sa Eat Bulaga although I heard napapanood na rin siyang kumakanta sa YouTube. Hindi lamang kumanta at tumugtog ng gitara ang pa­nganay ng pulitiko at Megastar sa pangunahing programa na pang-tanghali sa TV.

Mabuti na lamang at naroon ang nakababatang kapatid ni Frankie na si Miel, para mabawasan ang pagiging mahiyain at umarangkada ang karera sa pagkanta. Maganda ang boses nito at malaking plus factor ang talent nito sa pagtugtog ng gitara at piano. Maganda rin ito at napakakinis, puwedeng-pwede sa beauty contest kapag nagka-edad pa ng kaunti.

Suportado ba ng mga Pangilinan ang pagkanta ni Frankie? Hindi baleng wala sila sa Eat Bulaga at baka ayaw nilang matawag na mga stage parents, pero expected ng publiko ang suporta na dapat makita sa kanila para kay Frankie. Bakit noon, ang namatay na pulitikong ama ni Sharon at maging ang kanyang sosyalerang ina ay hindi nahiyang makita ng lahat na suportado nila ang pagsu-showbiz ni Sharon at ipagkatiwala ang pagpapasikat dito sa nama­yapa na ring Master Showman na si Kuya Germs?

RK Bagatsing naaagaw na ni Danita kay Devon

Mukhang dapat kabahan si Devon Servon sa lumalaking following ng kapareha niya sa Be My Lady na si RK Bagatsing at ni Danita Paner. Nagkakaroon na rin ng kilig ang tambalan nila so much so na maraming fans ang gusto na magkatuluyan sila sa serye. In fairness sa dating prinsesa ng TV5, bagay ang role nitong totomboy-tomboy sa pang-umagang serye na nagtatampok sa tambalan nina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales. Sayang at ‘di tulad ni Danita na puwedeng maagaw si RK sa kasalukuyang kapareha nito at hindi magwa­wala ang mga manonood. I’m sure masaya na rin ang mga nagpapatakbo ng karera ni Danita sa ka­palaran nito sa Kapamilya. Hindi man mabilis, pero umuusad na.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with