^

PSN Showbiz

Iya pwedeng magluwal anytime, Camille mas excited sa kasal sa pangalawang mister

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Congratulations sa bumubuo ng PEP.ph dahil naging successful ang kanilang PEP List Awards na ginanap sa Crowne Plaza Manila nung kamakalawa ng gabi.

Si Alden Richards ang humakot ng awards na kung saan nakuha nila ni Maine Mendoza ang major award na Newsmaker of the Year at Celebrity Pair of the Year.

Ilang beses umakyat ng stage si Alden para kunin din ang iba pang award na iginawad ng PEP List sa kanya. Ang TV Star of the Year, Best PEPTalk Episode, pati ang PEP Stylist of the Night.

Nasa Amerika pa si Maine, kaya si Alden din ang umakyat para tanggapin ang award na Female TV Star of the Year at Breakout Star of the Year.

Sabi sa amin ni Alden nu’ng gabing iyon, kinabukasan daw ay magsisimula na siyang mag-taping sa Encantadia kung saan special guest siya sa naturang telefantasya. Siya si Lakan mula sa mundo ng Mulawin.

PAK: Hindi pa muna binanggit ni Camille Prats ang eksaktong date ng pag-iisang dibdib nila ng non-showbiz boyfriend na si John Yambao. Pero sa January 2017 daw ang napili nilang buwan at saka na lang daw nila sasabihin ang date.

Ibang excitement daw ang naramdaman niya kung ikumpara sa una niyang kasal sa namayapa niyang asawang si Anthony Linsangan.

Nagkaroon daw siya ng sapat na panahong maghanda at hindi naman daw niya ito maikukumpara sa unang pagpapakasal dahil ibang relasyon naman daw iyon.

Kaya masaya raw siya sa pagpapakasal niya dahil para naman daw ito sa nag-iisa niyang anak na gusto raw niyang maramdaman na meron itong buong pamilya. “I’m very blessed, and of course I am happy where I am at this point. But more than that I am happier to be able to give Nathan of having a real family.

“Kasi isa ‘yun sa gusto ko na ma-experience niya or maramdaman niya na how it is to have a whole family, at this point humihingi na siya ng kapatid. So, excited na siya dun at ready na siya. Masaya ako para sa kasiyahan ng anak ko.”

BOOM: Congratulations sa mag-asawang Dia­na Zubiri at Andy Smith sa pagdating ng kanilang first baby na si Aliyah Rose. Iniluwal ni Diana ang isang malusog na baby girl nung kamakalawa ng umaga na may timbang na eight pounds.

Proud parents ang dalawa na ipinost sa kanilang Instagram account kung gaano sila kasaya at ka-proud sa kanilang cute baby girl.

Si Iya Villania-Arellano naman ay nag-post sa kanyang Instagram account na anytime daw ay iluluwal na niya ang baby boy nila ni Drew Arellano. Ipinost ni Iya ang baby bump pics niya mula nung nasa ika-30th week nito hanggang 38th week.

Sabi niya, “Just thought I’d finally share a few bumpies now that the boy is pretty much ripe and ready to say hello to the world anytime now.”

Inaayos na raw nilang mag-asawa ang kuwarto at ilang gadgets para sa kanilang baby boy.

Meron pang ibinahagi si Iya para sa mga future moms na iba’t-ibang apps na magagamit at makakatulong sa pag-aalaga sa kanilang magiging baby.

Obvious namang sobra silang excited sa pagda­ting ng bagong miyembro ng pamilya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with