^

PSN Showbiz

Robin kinokontra ng mga supporter ng government officials na sabit sa droga

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Umaapela ang mga supporter ng mga mayor, gobernador at ibang mga public official na pinangalanan ni President Rodrigo Duterte na sangkot sa isyu ng illegal drugs.

Pumalag sila sa sinabi ni Robin Padilla sa presscon ng Bravo na huwag pangalanan ni Papa Rody ang mga celebrity na gumagamit ng droga.

Hinihiling kasi ni Robin na magkaroon muna ng dialogue sa pagitan ng mga artista, managers at government agencies na involved sa pagtugis sa mga drug addict at drug pusher.

Hindi type ng mga supporter ng mga government official na sangkot sa drugs ang suggestion ni Robin dahil magiging unfair daw ang administrasyon ni Papa Rody sa mga tao na pinangalanan nito at nakaranas ng kahihiyan. Kung nagawa raw ni Papa Rody na sabihin ang pangalan ng government officials, bakit hindi ang names ng mga artista na drug user?

Marami sa mga artista ang drug user at alam ito ng kanilang mga pamilya at kaibigan pero hindi sila nakikinig sa mga payo na itigil na nila ang masamang bisyo.

May mga huminto sa paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot, pumasok sa drug rehabilitation center pero binalikan ang paggamit ng illegal drugs dahil sadyang mahina sila sa temptation. ‘Yung iba naman, hindi matalikuran ang drug dahil hindi nila matanggap ang pagkalaos pero sila rin ang dapat sisihin.

Nagpabaya sila, lumaki ang ulo, nalunod sa isang basong tubig at hindi pinahalagahan ang suwerte na dumating sa kanilang buhay.

Anak ni Melanie pang-international beauty pageant ang ganda at tindig

Umapir sa The PEP List Awards bilang presenter si Michelle Dee, ang anak nina Melanie Marquez at Derek Dee. Takaw-pansin ang presence ni Michelle dahil maganda at matangkad siya. Ang sabi ng mga naka-sight kay Michelle, ang katulad niya ang dapat na ipinadadala ng Pilipinas sa mga international beauty pageant.

Ang tanong, agree ba si Michelle na sundan ang yapak sa showbiz ng mga magulang niya bilang model na rin siya kagaya ng kanyang ina?

Alden ilang beses nagpanhik-panaog sa stage

Tinapos ni Alden Richards ang The PEP List Awards kaya mali ang akala ng fans na aalis agad siya pagkatapos makuha ang mga award niya. Si Alden ang humakot ng pinakamarami na parangal dahil may-I-take home niya ang Newsmaker of the Year, Celebrity Pair of the Year at Best PEPtalk Episode of 2015 Awards.

Kasama rin siya sa mga umakyat sa stage nang manalo ang Eat Bulaga ng Variety/Game Show of the Year at ang Sunday PinaSaya ng Comedy Show of the Year.

Si Alden din ang napili na Male Star of the Night kaya sulit na sulit ang pagdalo niya sa awards night ng PEP.

Lovi walang planong patulan ang pagpiyok ni Rocco?!

Nakatulong si Rocco Nacino sa promo ng Someone To Watch Over Me dahil sa pagsasalita niya tungkol sa break up nila ni Lovi Poe.

Pero kung kilala natin si Lovi na lead star ng Someone To Watch Over Me, idadaan niya sa diplomasya ang pagsagot sa mga statement ng kanyang dyowa.

Hindi gagayahin ni Lovi si Andi Eigenmann na naging passionate sa pang-ookray sa ex-boyfriend na si Jake Ejercito.

At kung kilala ng madlang-bayan si Lovi, alam nila na malabo nang magkaroon ng Part 2 ang Lovi-Rocco love affair dahil walang binabalikan ang dalaga sa mga ex-dyowa niya.

Palaging nakakatagpo si Lovi ng mhin na who will watch over her. Very promo ‘di ba?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with