^

PSN Showbiz

Kilalang personalidad na sobrang linis ang bahay, hiniwalayan ang misis na burara

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nakakahiya raw pumasok sa bahay ng isang po­pular na male personality. Napakalinis daw kasi niya sa bahay. Parang sampung tao raw ang namamahala sa kalinisan ng kanyang tirahan samantalang isang kasambahay lang naman ang kasama niya.

Ang dahilan, basta pala walang trabaho ang kilalang male personality ay siya mismo ang naglilinis, lahat ng sulok ng kanyang bahay ay binubusisi niya, ganu’n na pala talaga ang lalaking pesonalidad mula nu’ng bata pa lang siya, kinalakihan na niya ang pagiging malinis.

Isa-isa niyang pinupunasan ang sangkatutak na kuwadro sa kanyang sala at bedroom.

Mga retrato niya ‘yun, masinop talaga ang male personality, dahil pati ang mga pictures niya at ng kanyang pamilya mula nu’ng bata pa siya ay malinaw na malinaw pa rin.

“Puwede kang kumain sa CR niya dahil sa sobrang linis. Napakabango. Hindi mo nga iisiping CR pala ‘yun kundi lang may inodoro,” kuwento ng isang source.

Maraming nag-iisip na ang sobrang kalinisan ng male personality ang isa sa mga dahilan kung bakit nagkahiwalay sila ng kanyang misis na popular din.

“Spoiled kasi ang wife niya, walang alam kundi kumain at matulog lang, hindi man lang nakikialam ‘yun sa ikagaganda ng house nila.

“Dahil walang alam ang girl, natural lang na naiinis ang lalaki kapag nakikita niyang pakalat-kalat ang mga gamit ng wife niya. Pinagtatalunan nila ‘yun!” dagdag na kuwento ng aming impormante.

Malakas nang kumita ang male personality ay napakasipag pa niya sa bahay, nang magkahiwalay sila ay isa lang ang nasabi ng kanilang mga kaibigan, nagtampo sa bigas ang tamad niyang misis.

Ubos!

Kaya nanggulat, Kris halos kalahati lang sa dating suweldo ang offer ng Dos

Isang source na hindi nanununog at nangunguryente ang nagkuwento sa amin na nagkagulatan daw ang mga ehekutibo at production people ng ABS-CBN nang pumutok ang balita na si Mr. Tony Tuviera na ng APT Entertainment ang manager ni Kris Aquino.

Nagtatanungan daw ang mga ito kung may pinagsabihan si Kris tungkol sa kanyang plano, pero walang makapagsalita, ibig sabihi’y walang sinabihang kahit sino si Kris sa desisyon niyang pumirma ng kontrata sa produksiyon ni Mr. T.

Nanggulat nga si Kris, napabalita ang pakikipagmiting niya kay Mr. Tuviera na siya rin ang nag-post sa kanyang IG, pero hindi naisip ng mga taga-Dos na lilipat na pala siya ng network.

Lumutang ang kuwento na sa pakikipag-usap ni Kris sa mga executives ng ABS-CBN ay nilatagan siya ng mga kundisyones na hindi niya kinayang tanggapin.

Guaranteed pa rin ang kanyang contract pero ang sabi sa kuwento ay halos kalahati ng dati niyang suweldo ang kakaltasin. Ganu’n na raw talaga ngayon sa network, pare-pareho lang siya at ang iba pang mga artistang pumayag sa bagong patakaran ng istasyon, hindi raw ‘yun matanggap ni Kris.

Walang pinagsabihan si Kris sa kanyang desisyong makipagmiting na sa APT Entertainment, maging ang mga super-close niyang kaibigan na namamahala ng mga programa sa Dos ay walang alam, nagulantang na lang silang lahat nu’ng lumabas na ang balitang si Mr. Tony Tuviera na ang magpapatakbo sa kanyang career.

Walang kuwento ng paghahabol, wala raw tumawag kay Kris para magtanong, ibig sabihi’y wala na ring interes ang network na latagan siya ng panibagong offer para huwag lang siyang umalis.

Pak! Ganern!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with