PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Liza at Selena magka-level lang ang ganda!

 Selena at Liza

Parang magka-level lang ang ganda nina Liza Soberano at ng international singer na si Selena Gomez na nag-concert sa bansa noong nakaraang Linggo ng gabi para sa Revival concert tour. Ginanap ang concert ng bestfriend ni Taylor Swift at ex-girlfriend ni Justin Bieber sa Mall of Asia Arena. Ito ay base sa picture na ini-upload ni Liza sa kanyang Instagram account na nakakuha ng almost 300,000 likes. Caption ni Liza: “I’m in love with @selenagomes. She’s such a beautiful person inside and out. It makes me so happy when I idolize the right person.”

Obviously naka-tsika ng Kapamilya young actress ang American singer/actress na dinumog ng Pinoy fans sa arrival area ng Ninoy Aquino International Airport nang dumating ng bansa. Nagkaroon pa raw ng tulakan pero wala namang nasaktan.

Bukod kay Liza, naispatan ding nanood ng concert ni Selena Gomez sina Angel Locsin, Kathryn Bernardo, Vice Ganda, Enrique Gil, Lovi Poe, Richard Gutierrez, Maine Mendoza, Christian Bautista, Alex Gonzaga, Heart Evangelista, Bela Padilla, Louise delos Reyes, Janine Gutierrez, Maxene Magalona, Sarah Lahbati at marami pang iba.

Ang Manila ang 5th stop ng Asian leg ng Revival Tour ni Selena na nagsimula sa Las Vegas at magtatapos sa Mexico.

Ang dami niyang sikat na kanta tulad ng Same Old Love, Hands to Myself, Come and Get It, Who Says, Love You Like a Love Song, and Kill ‘Em with Kindness at ilan pa kaya naman dagsa ang nanood ng first concert niya sa ‘Pinas.

Si Darren Espanto naman ang naging front act ni Selena.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Tanging si Liza lang ang may solo photo with Selena. Magkayakap pa sila sa picture at halos pareho ang hairstyle na kulut-kulot. Naka-black jacket si Selena at camouflage jacket naman si Liza.

Marian idineklarang most beautiful Pinay celeb ng online site sa Amerika

Wow, si Marian Rivera ang itinanghal na no. 1 sa Top Ten Most Beautiful Celebrities in the Philippines ng Gazette Review, isang American Online agency.

Number 2 si Anne Curtis, no. 3 si Angel Locsin, no. 4 si Coleen Garcia, no. 5 si Maja Salvador, no. 6 si Kathryn Bernardo, no. 7 si Cristine Reyes, no. 8 si Liza Soberano, no. 9 si Kim Chiu and nasa no.10 si KC Concepcion.

Wala namang nabanggit na article kung paano ang naging pilian pero ang nasabing website ang naglalabas ng may ganyang ranking hindi lang sa mga artista kundi sa iba’t ibang bagay tulad ng paglalabas nila ng Top 10 Most Intelligent Countries in 2016 na pinangunahan ng Hong Kong. Wala sa listahan ang US.

Ganunpaman, no. 1 pa rin si Marian at nag-iisang Kapuso aktres na pasok sa listahan.

Katatapos iluklok ng FHM si Marian bilang hall of famer sa Sexiest Woman of the World.

Jessy sumabak sa muay Thai, nagpapapayat na ng pata

Nagpasalamat si Jessy Mendiola sa na­ging pagbati at pagtatanggol sa kanya ni 2015 Miss Universe Pia Wutrzbach nang maging viral ang comment niya na mas bongga pa siya (Jessy) kesa kay Pia pagkatapos niyang rumampa  sa Victory Party ng FHM Sexiest. Para raw sa kanya ay biro lang ang lahat. “I asked some of my friends na friends din niya to extend my gratitude. Ang sweet nga niya to tweet that. Kung siya nga nakita niya as a joke ‘yun, bakit parang other people won’t see that as a joke?” sabi niya sa interview ng ABS-CBN.com.

Eh bakit ang isyu eh yumabang na siya? “Sa pagkakaalam ko, hindi ako nagmayabang. Pangalawa, wala naman akong nilait na tao o kaya minaltrato. Siguro for me, why do people hate others who are just confident with themselves? Sa panahon ngayon, instead of us women helping each other to stand up and be strong, tayo pa ‘yung nagsisiraan . Kapag nakita natin ‘yung flaw niya, ididiin pa natin,” sagot niya sa mga nag-interview na may punto naman.

By the way, nakita ko sa Instagram na sumabak na sa Muay Thai training si Jessy. Dati kasi parang circuit o high intensity interval training (HIIT) ang ginagawa niya. Ang bilis magpapayat ng ganitong training. Pero mukhang magko-concentrate this time si Jessy matapos pagpiyestahan ng bashers ang kanyang pata. Magtiyaga lang siguro siya sa Muay Thai, baka lumiit ang legs niya dahil maraming sipa at suntok ang nasabing training. At ‘pag nangyari ‘yun tiyak mananahimik ang mga basher niya na grabe ang ginawang pang-aalipusta sa kanyang mga hita.

Angel at Jessy swak daw sa darna at Babaeng Lawin

Speaking of Jessy, may brilliant suggestion ang isang senior showbiz authority. Bakit daw hindi na lang pagsamahin sina Angel Locsin at Jessy Mendiola sa pelikulang Darna at and Babaeng Lawin. Isa raw itong pelikula noong 1952.  Likha rin daw ito ni Mars Ravelo at bida ang mga artistang hindi ko na rin kilala, sina Rosa del Rosario (Darna) at Elvira Reyes (Babaeng Lawin).

Ang idea niya, magkaroon ng fight scene ang dalawang Kapamilya actress sa ere bilang parehong lilipad ang character nila bilang darna at lawin. “Ang eksena sa ibabaw ng MOA ang fight scene nila. Doon sila mag-aaway sa ere at ang matatalo ay dapat tumilapon sa Manila Bay. Ganda nun,” sabi ng kausap ko.

Baka raw doon matigil na ang ‘away’ o ang pang-iimbyerna raw ni Angel kay Jessy na nag-umpisa nang magpa-interview ang una na may pahaging na si Jessy ang dahilan ng break-up nila ni Luis Manzano na ikinagulat nga ni Luis at maging ng mommy niyang si Cong. Vilma Santos.

Puwede noh. Tutal naman sinasabing si Angel pa rin ang gaganap na Darna. Para nga naman may twist na bago. Kasi kung Darna lang, malamang umay na ang karamihan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: