^

PSN Showbiz

Kris zero ang puso, mas aligaga sa mga negosyo

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Parehong pinost nina Edgar Allan Guzman at Kris Bernal sa social media ang picture ni­lang magkasama, pero walang sinabi kung bakit mag­kasama sila. Sabi lang ni Kris, “I get this giddy feeling when I start something new and different, something meaty? Challenge accepted! New people, new teachers. Praise God for another answered prayer.”

Ang sabi naman ni Edgar, “Ok let’s do this! Soon! Excited for this one” at hindi rin nagbigay ng details.

Nalaman namin na ang tinutukoy na pagsasamahan nina Edgar at Kris ay pelikula para sa Quezon Cinema Film Festival.

Anyway, matutuloy na rin pala ang nabanggit ni Kris na magbubukas sila ng restaurant/cafe at ito ang nagpapa-busy sa kanya habang wala pa siyang soap sa GMA-7. Wala pang pangalan ang resto/cafe nila na makikita sa first food park sa may Tomas Morato, Quezon City.

Also, natatawa na lang si Kris ‘pag tinatanong sa Chinese businessman na nanligaw sa kanya. Pati ang second time na naunsiyaming panliligaw sa kanya ni Renz Fernandez.

Joross inggit sa ?mga babae ni Dennis

Obsessed kay Heart Evangelista ang role ni Joross Gamboa sa Juan Happy Love Story at ayaw niyang magkabalikan sina Happy (Heart) at Juan (Dennis Trillo). Pero natutuwa ito dahil kahit kontrabida sa dalawa ang karakter niya, walang nagagalit sa kanya at natutuwa pa nga ang viewers. Dahil ito sa comedy ang series at ang mga kontrabida ay hindi kinaiinisan gaya ni Joross.

Masaya si Joross sa series dahil nagawa niya ang hilig sa comedy, hindi pilit ang mga line nila at enjoy silang lahat sa mga eksena. Para nga raw sitcom ang ginagawa nila at hindi teleserye.

Nagreklamo ng pabiro si Joross na mabuti pa si Dennis may mga kissing scene kina Heart, Kim Domingo at iba pang girls sa show nila, samantalang siya, nagku-comedy lang. Pero bumawi ito sa pagsasa­bing ang kahalikan na lang niya ngayon ay ang pinakamagandang babae sa kanya at ito’y walang iba kundi ang wife niyang si Katz Saga-Gamboa.

Kahit pala magtapos ang Juan Happy Love Story, mananatili sa GMA-7 si Joross dahil part siya ng isang bagong show ng network. Bawal pa lang sabihin kung anong show ito. Basta masaya ito at nagsisimula na siyang magpraktis.

Busy din pala si Joross sa pagpapa-renovate sa bagong bili nilang bahay sa may BF Homes. Mukhang mahal ang five-bedroom house, pero sabi nito, galing sa ipon nilang mag-asawa ang ipinambili plus nakatulong ang business nilang brokerage at trucking.

Melai ?idinepensa pa si Jason

Ang feeling ng mga nakabasa sa panawagan ni Melai Cantiveros sa fans nila ni Jason Francisco na tigilan ang pamba-bash sa asawa, siya lang ang nag-i-effort na ma-save ang marriage nila. Si Jason parang tinuldukan na ang pagsasama nila at sinabi ngang wala nang Melason.

Pero si Melai, idinepensa pa si Jason dahil napakabait, good provider at wala raw itong bisyo, over protective sa kanila ng anak na si Mela at sila ng kanilang anak ang laging inuuna.

Sabi pa ni Melai, pagsubok lang ang nangyari sa kanila ni Jason at nakiusap na tigilan na ang pamba-bash sa mister kung may respeto ang bashers sa relasyon nila ng asawa. Silang dalawa lang daw ang makakapag-ayos ng kanilang problema.

Maganda ang sinabi ni Melai na “May mga mali at tama pero time will heal all wounds. Walang kam­pihan at di kailangan ng kampihan kung sinu dtu kasi di nmn kami magkaaway. MAG ASAWA po kami.”

Rochelle maraming natututunan kay John

Maraming eksena si Rochelle Pangilinan sa Encantadia na kasama si John Arcilla dahil bilang ang matapang na si Agane, siya ang kanang-kamay ni Hagorn (John). Nakikita ni Rochelle kung gaano kahusay umarte ang aktor at puring-puri niya ito.

Ayon kay Rochelle, “Sobrang husay at sobrang mapagbigay ng kanyang talent. Lagi niyang sine-share. Kaya pati ako, maraming natututunan sa kanya.”

Maganda ang pagtanggap ng viewers sa fantaserye at ikinatutuwa ni Rochelle ang gabi-gabing trending ang show sa nationwide at worldwide. Nakikita rin niya ang warm welcome ng tao sa mall show ng mga Sang’gre at iba pang cast na libu-libo ang nanonood.

Sana nga, isama minsan si Rochelle sa mall show para muling mapanood ang husay niyang umarte. Bago naging si Agane sa Encantadia, magaling na dancer si Rochelle.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with