^

PSN Showbiz

Arci mahilig sa mga hayop?!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Mahilig daw noon pa man si Arci Muñoz sa panonood ng Japanese Anime naSailor Moon. Nangongolekta rin ang aktres ng wands ng nasabing anime character. Nahilig rin si Arci sa mga pusa dahil sa pagkakaroon ni Sailor moon ng guardian cats. “Kasi nga I love Sailor Moon so much so when I was younger, I really wanted a black and white cat. Tapos papangalanan ko silang Luna at Artemis, ngayon meron na ako. Tapos meron akong black and white na Persian na super fluffy naman niya. The other one I have to put her sa condo. Tapos the other one is in my parent’s house, kasi nag-aaway sila. Mahilig talaga ako sa cats. Noong bata ako, pumupulot ako ng mga cats eh. Nagagalit ang dad ko kasi bawal ang pets sa house, pero may mga dogs din. May rabbit ako, may duck ako, may chicken ako sa backyard ko,” kwento ni Arci.

Naaalagaan daw ng aktres ang mga alagang hayop kahit na abala siya sa kabi-kabilang trabaho. “Nandoon lang sila sa backyard eh, kasi nagtatanim din ako, gusto ko ng farm eh. Meron kaming vacant lot beside the house so parang sayang naman. So nagtanim kami dati ng dad ko,” pagbabahagi ng dalaga.

James ?gustong maging farmer sa New Zealand

Nagpaplanong magtanim si James Blanco kung sakaling titigil na ang aktor sa pag-aartista. Mayroong farm sa ibang bansa ang asawa ng aktor at marunong din daw itong magtanim. “Kasi ang wife ko lumaki sa New Zealand, kasi may farm sila sa New Zealand at ‘yung wife ko sanay. ‘Sing laki ng Pilipinas ang New Zealand pero ang tao do’n six million lang. Kung meron ka ngang P3.5 M or 100,000 New Zealand dollar, may one hectare ka na,” bungad ni James.

Sa New Zealand din balak pag-aralin ng aktor ang tatlong anak kaya nalalapit na raw talaga ang pananatili ng kanyang pamilya roon. “Soon na talaga. Matagal na naming plano ni Tanya na magpunta doon. Actually noong nag-stop akong mag-artista for five years, dapat pupunta na kami ng New Zealand. Kaso bigla naman akong nagkatrabaho dito. Tapos ‘yung mga bata, ipinakita namin ‘yung New Zealand, gustung-gusto nilang pumunta. So by December baka doon na kami mag-Christmas. May balak din kami talaga na pag-aralin ang mga bata doon. Kasi ang mahal ng edukasyon dito eh. Doon kasi mura, kasi ‘yung government doon subsidized ang pag-aaral ng mga bata, tapos may allowance pa sila,” paliwanag ni James.

Samantala, aminado ang aktor na nagkaroon siya ng mga pagkukulang sa kanyang asawa noon. “Nagkamali ako sa asawa ko at hiningi ko na ng tawad ‘yon. Hiningi ko ng tawad sa Diyos, sa asawa ko. Siyempre ‘yung mga panahong ‘yon bata ka ‘di ba? Thankful ako sa asawa ko dahil sa awa ng Diyos, never niya akong iniwan,” pagtatapat ni James.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with