^

PSN Showbiz

Kaya walang K mapikon sikat na TV personality certified basher bago sumikat

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Naku, paano ‘yan ngayon, unti-unti nang nakakalkal sa baul ng alaala ang mga hindi kagandahang pinaggagagawa nu’n ng isang kilalang personalidad?

Hindi rin kasi niya naisip na isang araw pala ay makikilala siya, hindi niya alam na darating ang panahon na magiging public figure siya, kaya nalalagay siya ngayon sa alanganin dahil sa mga kalokohan niya nu’ng mga nakara­raang taon. “Akalain mo ‘yun? Galit na galit siya kapag may mga nangba-bash sa kanya, pero siya pala ang totoong basher? Ang dami-dami pala niyang bina-bash na mga artista nu’n?

“Wala palang maganda at guwapong personality nu’n para sa kanya, lahat talaga, e, pinipintasan niya, siya pala ang original basher!”  namamanghang kuwento ng isang impormante.

At hindi lang ‘yun. Pati ang mga kasamaan niya ng loob nu’n, ke kadugo niya ‘yun o hindi, ay talagang inuupakan niya sa social media.

Click lang siya nang click, hindi nag-iisip, banat lang siya nang banat. Kaso, may mga nakakuha ng kopya ng mga pinaggagawa niya, kaya ayan, isa isa nang naglalabasan ang mga kuwento tungkol sa kanya, maidedenay pa kaya niya ang mga ‘yun ngayon?

“Pikon siya, super affected siya agad kapag may mga nababasa siyang comments na hindi favorable sa kanya. Makasarili ang female personality na ‘yun, wala siyang pakialam sa ibang tao, sarili lang niya ang kailangangpalaging bumibida!

“Pabiba ang girl na ‘yun, ang feeling kasi niya, e, siya na ang pinakasikat, siya na ang pinaka sa lahat ng mga pinaka sa showbiz, kaya ganyan siya kaa­ngas at kamaldita!

“Naku, ‘no! Meron siyang ipinang tawag nu’n sa isang sikat na female personality na maganda. ‘Yun mismo ang ipinangtatawag sa kanya ngayon ng mga bashers niya!

“Ipinakakain ngayon sa kanya ang mismo ng mga salitang ibinabato niya nu’n sa mga artista. Wala na siyang choice kundi ang tanggapin ‘yun, ito na ang tamang panahon para magising siya,” napapailing na kuwento pa ng aming source.

Ubos!

Dahil sa inggit, Alden bugbog sarado sa paninira ng fans ni Maine

Kung nakamamatay lang ang masasakit na salita ay pinaglalamayan na si­guro ngayon si Alden Richards. Bakit kaya may mga taong ipinanganak na mistulang talangka sa panghihila pababa sa mga taong nagtatagumpay?

Galit na galit kay Alden ang ibang mga tagasuporta ni Maine Mendoza, sinusumbatan ng mga ito ang Pambansang Bae sa pagbibigay ng thanksgiving party para sa mga press people, ginawa lang daw ‘yun ng actor-singer para pabanguhin ang kanyang imahe.

Kung inggit lang ang dahilan ng pag-upak nila ngayon kay Alden ay bakit hindi rin nila kumbinsihin ang kanilang idolong si Menggay para makihalubilo sa mga reporters at nang bumango rin ang negang dating nito ngayon sa publiko?

Kesehodang hindi naniniwala si Maine nakailangan nitong baguhin ang kanyang naturalesa para lang ito magustuhan ng ibang tao ay paliwanagan nila ang kanilang idolo, pangaralan dapat nila si Menggay na huwag nagsasalita ng ganu’n, dahil no man is an island.

Ngayon, kung hindi pa rin nila makumbinse ang kanilang idolo ay manahimik na lang sila, huwag nilang pinanghihimasukan ang mga ginagawang atake ng Pambansang Bae na mas nagpapabango pa sa kanyang imahe ngayon.

Huwag na nilang pinag-iinitan si Alden, tumanaw na lang sila nang mala­yuan, pakiramdaman na lang nila kung kaninong pangalan ang patuloy na bumabango at kung sino ang bumabantot ang imahe ngayon.

Huwag na nilang inuupakan si Alden Richards sa social media, wala naman kasing naniniwala sa kanilang mga arya, pang-amoy na lang ang paganahin nila ngayon para magising sila sa katotohanan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with