^

PSN Showbiz

Hindi takot sa ginawa kay Pia, Steve Harvey host uli ng Miss U

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Si Steve Harvey ang host ng Miss Universe 2016 na gaganapin sa ating bansa sa January 30, 2017.

Si Steve ang host ng Miss Universe 2015 pero pumalpak ang announcement niya sa pangalan ng winner kaya pinag-usapan ito sa buong mundo.

Si Pia Wurtzbach ang tunay na nanalo ng Miss Universe crown pero si Miss Colombia ang idineklara ni Steve na winner.

Binawi naman ni Steve ang pagkakamali niya pero kinamuhian siya nang todo ng mga kababayan ni Ariadna Gutierrez.

Wala akong makita na dahilan para matakot si Steve na pumunta sa Pilipinas para maging emcee ng Miss Universe 2016 dahil likas na mapagpatawad ang mga Pinoy.

Matagal nang pinatawad ng mga Pinoy ang honest mistake ni Steve na maraming beses na nag-apologize. Siguro naman, knows na ngayon ni Steve ang correct spelling ng pangalan ng bansa natin dahil umapir na si Pia sa kanyang television show.

Sure ako na mag-i-enjoy si Steve sa nalalapit na pagbisita nito sa Pilipinas dahil matitikman na niya ang Filipino hospitality.

Kung may dapat iwasan si Steve na bansa, ito ay ang Colombia dahil iritable pa rin sa kanya ang mga supporter ni Ariadna

Reklamadora rin si Ariadna dahil super-emote ito na hindi niya nagagampanan ang kanyang mga tungkulin bilang first runner up ni Pia dahil dinededma siya ng Miss Universe Organization. Wala bang nagsabi kay Ariadna na “spare tire” lamang ang mga first runner-up?

Jinggoy nakiusap na tigilan na sila ni Duterte

May correction please si former Senator Jinggoy Estrada sa isang isyu na ibinibintang sa kanya pero walang katotohanan, ang viral video na diumano’y nagpapatunay na galit sa kanya si President Rodrigo Duterte.

Hindi totoo ang tsismis dahil gawa-gawa lamang ito ng mga intrigera na walang magawa sa buhay.

Itinanggi ni Papa Jinggoy ang isyu dahil marami na ang naniniwala at ito ‘yung mga tao na tamad mag-research at walang bait sa sarili dahil nakikinig sa mga sabi-sabi. Ito ang reaksyon ni Papa Jinggoy na hindi tinatantanan ng intriga, kahit nakakulong na sila ni Bong Revilla, Jr. sa PNP Custodial Center sa Camp Crame. “Doon po sa mga nagkakalat ng video kung saan diumano’y galit sa akin si Presidente Duterte ay pawang walang katotohanan!

“Kung mapapanood ninyong maigi ang video, hindi po ako ang pinapapatamaan ni Presidente kundi si Leila De Lima.

“Nag-umpisa po iyan nu’ng nagkaroon po kami ng committee hearing sa senado tungkol sa rice smuggling kung saan ay imbitado sina Mayor Duterte at Sec. Leila De Lima.

“Tuwang-tuwa po ako sa mga isinasagot ni Mayor laban dun sa rice smuggler kaya pinaulit-ulit ko ang tanong kay Mayor.

“Wala po kaming masamang pinagsamahan ni Presidente Duterte. Sa katunayan, kaibigan ko po si Presidente.

“Dumalaw pa po si Presidente sa amin ni Bong nu’ng isang taon para kami ay kumustahin.

“Kaya dun sa mga malisyoso o dili kaya ay walang magawa sa buhay, tigilan n’yo na ang mga intriga dahil di po ‘yan makakatulong sa pag-unlad ng ating bansa.

“Inuulit ko po, wala po kaming hidwaan ni Presidente Duterte.

“Bilang pangwakas, nananawagan po ako sa ating sambayanan na suportahan po natin si Presidente Duterte para sa tagumpay ng bawat Pilipino. Mabuhay ang Pangulo, mabuhay ang sambayanang Pilipino. Maraming salamat po,” ang pagtutuwid ni Papa Jinggoy sa isang maling-mali na akala.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with