^

PSN Showbiz

Trono ni Maja nasungkit na ni Myrtle!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nilinaw ng Megasoft Hygenic Products, Inc. na walang intriga ang pagpili nila kay Myrtle Sarrosa bilang bagong endorser ng Sisters Sanitary Napkins and Pantyliners bilang kapalit kay Maja Salvador. Identified na kasi kay Maja ang naturang produkto kaya naiintriga ang iba kung bakit napalitan ito ni Myrtle. Sabi naman ni Ms. Aileen Go ng Megasoft, naiba raw ang campaign nila ngayon kung saan nag-iikot sila sa mga eskuwelahan sa buong bansa para i-promote ang bagong campaign nilang School is Cool.

Impressive ang educational background ng 21-year-old Ilongga na Pinoy Big Brother (PBB) winner dahil ga-graduate ito sa UP Diliman na Cum Laude sa kursong Broadcast Communication. Pero sabi naman ni Myrtle, medyo kinabahan daw siya nung inalok ito sa kanya at nalaman niyang papalitan niya si Maja. “Nung sinabihan nila ako na after si Ate Maja ako na raw ang mag-i-endorse, sobrang saya ko pero at the same time may naramdaman akong pressure.

“Pero nu’ng nakausap ko naman sila they told me the reasons parang they made me realize na ‘yung ginagawa namin dito, it’s just endorsing the product kasi. Sinabi nila sa akin na we’re here to inspire other people.

“We want to promote education,” pahayag ni Myrtle sa press launch nito kahapon.

PAK: Seryoso ang sagot ni Billy Crawford na si Coleen Garcia na raw sana ang babaeng gusto niyang makasama habang buhay. Tinanong namin kung kailan ba niya gustong pakasalan ang Kapamilya young actress. “Kung ako ang masusunod, definitely it would be now,” mabilis na sagot ni Billy sa presscon sa kanya para sa pelikulang That Thing Called Tanga Na na magsu-showing na sa August 10.

Sabi pa niya, “It’s unfair din naman, I’m ten years older than her. She’s been blessed right now, maraming projects ang pumapasok sa kanya, and marami pa siyang kailangang matutunan with work and sa personal life as well. Basta ang alam ko, siya na, ‘yun ang importante dun eh.”

Nakikita raw niyang marami pang plano si Coleen kaya ayaw niyang ipagkait ito. Gusto raw niyang i-enjoy muna ng kasintahan ang pagiging single bago siya mag-propose ng kasal.

BOOM: Ayaw sagutin ni Timothy Tan na tila siya ang napagbibintangan sa pagka-hack ng social media account ni Sunshine Dizon pati email address nito.

Nu’ng mismong kaarawan daw ng Kapuso actress na-hack ang account niya at nabura ang ilang posts niya lalo na ‘yung ni-reveal ang pakikipagrelasyon ng asawa niya sa babaeng si Clarisma Sison. Sabi ni Sunshine, “My email got hacked. Most likely, they were getting information sa email ko. And then, thru the email ginalaw nila yung IG ko to erase everything.”

Sinundan namin ng tanong kung talagang may kinalaman nga ba si Timothy sa pag-hack sa email at Instagram account niya. “I would assume, yes. What would other people gain from it. Sila lang naman ang may vested interest dyan,” deretsong sagot ni Sunshine.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with