^

PSN Showbiz

Dahil sa girlfriend,male personality nagiging masangsang na ang image

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pinaliligo sa pulot ng ating mga kababayan ang isang male personality na pinagpipistahan ang sobrang kanegahan ngayon. Maraming nagagalit sa kanya, inis na inis sa pagbabago ng kanyang ugali ang marami, kailangan kunong magising na siya sa katotohanan bago pa mahuli ang lahat.

Dati kasi ay hindi naman ganyan ang male personality, diretso siyang magsalita, pero tanggap ng marami ang kanyang atake dahil may kahalong pagkokomedya ‘yun.

Pero dahil sa kanyang bagong pag-ibig ay nagbago na siya sa pananaw ng marami, sumobra na ang kaangasan niya, lalo na sa ginagawa niyang pagiging pikon sa mga pumapansin sa kanila ng girlfriend niya.

“Ano ba naman ‘yan? Ipinaglihi ba ng nanay niya sa patolah ang male personality na ‘yun? Ano na ba ang nangyayari sa kanya? Bakit siya pumapayag na maging pambala sa kanyon ng girlfriend niya ngayon?

“Hindi ba siya nag-iisip? Hindi ba niya nararamdaman na mula nu’ng maging sila ng girl na ‘yun, e, bumantot na ang image niya? Bakit siya nagpapagamit?

“Baka mamaya, kapag naghiwalay sila, e, hindi na niya mabanlawan ang bumabaho niyang image? Nakakasigurado ba siya na magiging sila na ni ____(pangalan ng girl) forever?

“E, siya pa naman, ang bilis din niyang magpalit ng karelasyon! Patol siya nang patol, nakikipag-argumento siya sa mga pumapansin sa girlfriend niya, kaya siya tuloy ang napupuruhan ngayon!” inis na inis na kuwento ng isang source.

Pati tuloy ang kanyang gender ay napagbabalingan ngayon ng marami, kinukuwestiyon ang kanyang pagiging mapagpatol sa mga netizens, hindi kuno ugali ng isang tunay na lalaki ang makipagbenggahan sa social media.

“Napakahaba naman ng hair ng babaeng ‘yun! Nakakaya niyang paikutin ang ulo ng male personality, siya ang ginagawang pambala sa mga kalaban ng girl, napakasuwerte naman ng hitad na ‘yun!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Walang ginawa kundi i-check si Melai, Jason punung-puno ng insecurity sa katawan!

Kakambal ng pagiging seloso ang matinding insecurity. Minemenos ng isang insecure na lalaki ang kanyang kapasidad. Kulang siya sa kumpiyansa, kapos na kapos sa tiwala sa kanyang sarili, kaya ibinabaling niya ‘yun sa ibang tao.

Ganu’n ang nakikita ng marami sa matagal-tagal ding relasyon nina Melai Cantiveros at Jason Francisco. Mas buhay na buhay kasi ang utak ng babae, napag-iiwanan ang lalaki, kaya nauwi rin sa wala ang kanilang pagsasama.

May mga impormanteng nagpapatotoo na sobrang pinoproblema na ni Melai nu’n pa ang pagiging insecure ng kanyang karelasyon. Napakaraming bawal, parang nakatungtong sa numero palagi si Melai, dahil siguradong may pag-aawayan na naman sila kapag hindi nasunod ang gusto ni Jason.

Kuwento ng isang source, “Kung makapag-check si Jason kay Melai habang nagtatrabaho, e, parang siya ang may-ari ng isang telephone company. Panay-panay ‘yun! Check siya nang check!

“Nagseselos na naman siya, sinasaniban na naman siya ng insecurity, iniisip siguro niya na baka nakikipagharutan na sa iba ang misis niya!” kuwento nito.

Napakahirap pa namang makisama sa isang taong walang tiwala sa kanyang sarili kaya wala ring tiwala sa ibang tao. Nagkokomedya si Melai pero sa likod ng kanyang mga halakhak ay ang sobrang sama ng loob dahil sa ugali ng ama ng kanyang anak.

“Nakakaawa si Melai. Nagtatrabaho siya, pagod na pagod, pero sa halip na maging inspirasyon niya si Jason, e, stress pa ang ibinibigay sa kanya.

“Talagang sa hiwalayan din sila mauuwi. Bibigay at bibigay din si Melai sa mga ginagawa ni Jason. Mahirap karelasyon ang isang insecure!” dagdag pa ng aming source na nakakatrabaho ng mag-asawa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with