^

PSN Showbiz

Karla ‘di kilala si Gerald!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Mali ang report ni Bernadette Reyes ng State of the Nation ng GMA News TV na tatlong dekada na ang nakalilipas buhat nang mapanalunan ng isang Pilipina ang Miss Universe crown. Mahigit apat na dekada na dahil 1973 nang masungkit ni Margie Moran ang korona ng Miss Universe.

SCENE: Gerard ang pronunciation ni Karla Estrada sa pangalan ni Gerald Anderson sa guesting nito kahapon sa Magandang Buhay ng ABS-CBN at hindi ito nakalampas sa matalas na pandinig ng kanyang co-host na si Melai Cantiveros.

SEEN: Si Melai Cantiveros ang buhay ng Magandang Buhay dahil siya ang naghahatid ng saya sa viewers ng morning show nila nina Karla Estrada at Jolina Magdangal.

SCENE: Nakikisimpatiya kay Melai Cantiveros ang publiko sa isyu ng paghihiwalay nila ni Jason Francisco na wala sa lugar ang pagiging seloso at matindi ang insecurities dahil successful ang showbiz career ng kanyang misis.

SEEN: Ipagdiriwang bukas sa ASAP ang anniversary ng Star Magic, ang talent management agency ng ABS-CBN kaya star-studded ang Sunday noontime show ng ABS-CBN.

SEEN: Ngayon ang coronation night sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila ng Mutya ng Pilipinas 2016. Ang Viva Live ang producer ng Mutya ng Pilipinas at mapapanood ang delayed telecast nito bukas, July 31, 10 a.m.

SCENE: Sa August 21 at hindi na sa August 7 ang 2016 PEP List Awards na gaganapin sa Crown Plaza, Mandaluyong City.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with