^

PSN Showbiz

Juday may bagong librong inaayos!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Tatlo na ang anak ng mag-asawang sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Ayon kay Juday ay masaya siya sa tuwing kapiling sina Yohan, Lucho at Luna at kung maaari ay hindi na siya aalis ng bahay upang makapiling ang buong pamilya.

Gusto raw ni Lucho na magkaroon ng isa pang kapatid na lalaki pero sa ngayon ay hindi pa pwede muling magbuntis ang aktres. “Hindi pa pwede, under renovation pa ang reproductive system. Kailangan pang magpahinga, but in God’s will bigyan pa kami ng isa pa, hindi naman ako magrereklamo. Bakit naman hindi? Kapag dumating ako ng 45 (years old) at hindi pa uli, okay na okay na kami sa tatlo. Sakto naman kami sa limang taon na agwat ng bawat bata. It’s perfect for us, nabibigyan namin ng sapat na atensyon ‘yung mga anak namin,” nakangiting pahayag ni Judy Ann.

Samantala, nagbabalak daw muling gumawa ng isang libro ang aktres ngayon. Hindi ito katulad ng unang librong inilabas na tungkol sa iba’t ibang pagkain. “Who would have thought na magiging gano’n ka-hit ‘yung libro ko? Thank you, nao-overwhelm ako sa response ng mga tao sa libro. There is a chance to have another book. Maybe a journey on losing weight, post natal, but definitely it would be a book na very relatable sa journey ko ngayon. Kumbaga mas personal lang siya kasi hindi lang siya puro pagkain. May recipe siya ng workout, ‘yung tamang nutrients na ite-take mo for breastfeeding. ‘Yung buong journey ng panganganak uli, how to recover, how to feed yourself, your body,” pagbabahagi ni Juday.

Melai nilalabananang pakikipaghiwalay ni Jason

Ikinagulat ni Ryan Bang ang paghihiwalay ng mga kaibigang sina Melai Cantiveros at Jason Francisco. Matatandaang si Ryan pa ang naging Best Man sa kasal ng mag-asawa noong 2013. “Siyempre sobrang malungkot na balita. Sana hindi totoo, sana hindi tuloy,” bungad ni Ryan.

“Sana mag-usap sila nang mabuti para (magkabalikan), kasi hindi biro ‘yung kasal at saka may anak. Saka happy naman sila sa isa’t isa. Nagulat talaga ako no’ng nalaman ko ang balita. Kasi matagal ko na ding ,’di nakakausap si Jason. Ang alam ko happy naman sila,” dagdag pa ng komedyante.

Ngayon ay ipinagdarasal na lamang daw ni Ryan na magkabalikan ang kanyang mga kaibigan. “Magpi-pray ako para magbatian at maayos. Sana maging maayos sila,” giit ng aktor.

Kahapon ay naging makahulugan ang pahayag ni Melai sa Magandang Buhay tungkol sa kanyang pinagdaanan ngayon. “’Yung greatest love ko, siya ang destiny ko. ‘Yung destiny ko, siya ang asawa ko. So mahal na mahal ko ‘yung asawa ko ‘di ba? So kahit anong problema ang dumating, paglalabanan ‘yan kasi siya ang forever ko eh and forever is a choice, and I choose my forever,” emosyonal na pahayag ni Melai.  

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with