^

PSN Showbiz

Pero walang media coverage P-Noy at GMA pinagkamay ni Digong!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Pinag-usapan ang pang-iisnab ni ex-President Noynoy Aquino kay former President Gloria Macapagal-Arroyo nang magkita sila sa National Secuirity Council meeting sa Malacañang Palace dahil kumalat ang video nito.

Katakut-takot na batikos ang inabot ni Noynoy dahil ungentleman para sa marami ang kanyang ginawa. Nakakuha naman si Mama Glo ng mga simpatiya dahil sa humility na ipinakita niya. Hitsurang dinedma siya ng kanyang successor at dating estudyante, hindi nawala ang ngiti sa labi ni Mama Glo.

Isang reliable source ang nagkuwento sa akin kahapon na pinagkasundo ni President Rodrigo Duterte sina Mama Glo at Noynoy pero hindi na nakunan ng television crew ang pagkakamay ng dalawa. Kung may video na lumitaw na shaking hands ang mga dating pangulo, baka sakaling nabawasan ang mga pang-ookray kay Noynoy ng haters at bashers niya.

Myrtle umingay ang pangalan sa panganay ni Sen. Grace

Magpapatawag si Arnell Ignacio ng presscon para sa entertainment writers dahil gusto niya na mag-reach out sa showbiz press bilang appointee siya ni Papa Rody sa isang government agency.

Nagkita kami kahapon ni Arnell sa isang restaurant sa Quezon City para pag-usapan ang kanyang mga plano.

In fairness kay Arnell, kapita-pitagan na ang hitsura niya pero hindi pa rin nagbabago ang kanyang ugali. Siya pa rin ang Arnell na kung anik-anik ang sinasabi at hindi nawawalan ng mga opinyon tungkol sa mga nagaganap sa paligid.

Nang malaman ni Arnell na maglalagare ako sa presscon ng New Sisters Sanitary Napkins and Partyliners sa Oriental Palace sa Morato Avenue, siya ang nagkuwento na doon din ginanap ang victory party ni Papa Rody dahil kaibigan nito ang may-ari ng nasabing Chinese restaurant.

Ang cosplayer na si Myrtle Sarrosa ang bagong ambassadress ng New Sisters Sanitary Napkins at siya ang ipinalit kay Maja Salvador. Tuwang-tuwa si Myrtle dahil malaking karangalan para sa kanya na maging replacement ng Ate Maja niya.

Hindi ko kilala noon si Myrtle pero nagmarka ang name niya nang maghiwalay sila ni Brian Poe Llamanzares, ang anak ni Senator Grace Poe.

Iniyakan ni Myrtle ang paghihiwalay nila ni Brian pero naka-move on na raw siya. Ayaw na sana ni Myrtle na pag-usapan ang nakaraan nila ni Brian pero hindi siya nakaiwas sa mga tanong ng entertainment press.

Nasabi tuloy ni Myrtle na magkaibigan pa rin sila ni Brian, kahit hiwalay na sila. Isa raw siya sa mga tinawagan ni Brian nang masangkot ito noon sa isang malaking isyu.

Single ngayon si Myrtle dahil naka-focus ang atensyon niya sa kanyang showbiz career at pag-aaral. Sa December 2016 ang graduation day ni Myrtle na malaki ang tsansa na magtapos bilang cum laude dahil masipag siyang mag-aral.

Talented si Myrtle dahil magaling siya na sumayaw, marunong kumanta at mahusay na song composer.

Ang break up nila ni Brian ang naging inspirasyon ni Myrtle kaya nakapag-compose ito ng kanta, ang Heartbroken.

Nasabi ni Myrtle sa presscon ng Sisters Napkin na siya ang winner ng Pinoy Big Brother noong 2012. Isang milyong piso ang premyo na napanalunan ni Myrtle na kahanga-hanga dahil hanggang ngayon, hindi pa niya nagagalaw o nagagasta ang datung.

Marunong humawak ng pera ang tatay ni Myrtle dahil siya ang may idea na mag-invest sa stocks ang kanyang anak.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with