^

PSN Showbiz

Anne at Dennis parehong takot pakasal?!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon

Sigurado na si Anne Curtis na si Erwan Heussaff na ang kanyang forever. Kaya lang hindi pa siya handa sa kasalan.

Ganun din ang pakiramdam ni Dennis Trillo kay Jennylyn Mercado. Pero tulad ni Anne, wala rin sa mga priority ng actor ang pag-aasawa.

Magkasama ang dalawa sa pelikulang Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend? na nag-first shooting day na the other night. Para sa Viva Films ang BLNGMB.

At ang eksenang kinunan agad, halikan na may kasamang ungol sa simbahan na ginanap sa St. Vincent Seminary sa Tandang Sora.

Kaya naman naungkat ang kasalan sa kani-kanilang karelasyon.

So kelan na ba Anne ang kasal ninyo ni Erwan Heu­ssaff? Tanong sa actress/TV host ng mga bumisitang press sa shooting.

 “Siguro 3 years. We’ll see, kasi when you get married, everything changes in your career, but it will come, pero hindi naman three years, pero more or less, we both have an understanding,” sabi niya.

Pero sure na si Anne na si Erwan na nga ang the one para sa kanya. “Officially, we’re 6 years na, un-official kasi ‘yung dating din kasama na.  First time ko kasing mag-long term, pinakamatagal ko dati, 3 years. Kaya ang saya,” dagdag na sabi niya.

Magkasunod na ikinasal ang mga bestfriend ni Anne na sina Georgina Wilson at Solenn Heussaff, sister ng kanyang boyfriend. Parehong foreigner ang napangasawa ng dalawa. Sunod na ikakasal si Isabelle Daza. Kaya naman lagi siyang kinukulit sa isyu ng kasalan.

Eh si Dennis ganun din ang sagot nang kulitin kung nakita na ba niya ang babaeng gusto niyang pakasalan. Kaya lang hindi siya naniniwala sa sinasabing marrying age. Katuwiran niya, wala sa edad ang pagpapakasal.

Pero nakita na ba niya? “Palagay ko. Ewan ko lang, ayoko ring magsalita ng tapos, pero masaya lang kami,” sagot niya na pa-blind item.

Hindi tinantanan kasi walang direct admission.

Sunod na tanong, sexy ba siya? May cooking show?

“Dapat sexy siya. At saka magaling magluto,” na alam na kung sino ang tinutukoy niya. Walang iba kundi si Jennylyn Mercado.

So paano na ang kasalan? Kailan na ba?

 “Wala, hindi pa, eh. Marami pa kaming kailangang asikasuhin sa buhay-buhay namin. Pero darating din ‘yun, hindi lang namin pinupuwersa.

“I think it would come naturally kung talagang akma na ‘yung panahon,” pahayag ng actor.

Parehong may anak na tig-isa sa kanilang dating karelasyon sina Dennis at Jennylyn.

At any rate. Ito ang unang pagsasama sa pelikula ng dalawa with Paolo Ballesteros under the direction of Jun Lana for Viva Films.

Ellen Adarna may bagong kinababaliwan!

May bagong kinababaliwan pala ang sexy star na si Ellen Adarna.

Yup, as in. Nakatutok daw ito sa nasabing bagong kinahuhumalingan para pawisan.

Opppsss. Hindi lalaki. Pero panlalaking training. Boxing.

Nadadalas daw ang bisita ni Ellen sa Spartacus MMA and Fitness Gym somewhere in Sikatuna Village, QC.

Seryoso umano ito sa training nang tanungin ko si Coach Vince Ramos, na isa rin sa mga may-ari ng nasabing gym.

Bukod sa kasipagan nito, puring-puri rin ng Spartacus coaches (na me­ron din branch sa Congressional Avenue, QC) ang sobrang kabaitan ni Ellen at walang ka-ere-ere. Hindi rin daw isnabera lalo na sa mga tulad niyang Visaya. At higit sa lahat, hindi raw peke ang ganda. Kahit walang make up, maganda pa rin. (Sa bagay maraming artistang babae na ‘pag walang make up lalo na kung napawisan na, chaka na.)

Kaya naman pala kahit lumalamon si Ellen at mahilig mag-beach base sa kanyang mga post sa kanyang Instagram account, hindi tumataba dahil mahilig magpapawis.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with