^

PSN Showbiz

Hiwalayan nina Jolo at Jodi noon, promo lang sa pelikula! Matapos magharap Sunshine at dating asawa binusalan ng korte!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Ang date nina Alden Richards at Maine Mendoza ang isa sa ikinatuwa ng AlDub Nation sa mga naikuwento ng Pambansang Bae nang mag-treat ito sa entertainment press nung nakaraang Martes ng hapon.

Noong mag-celebrate sina Alden at Maine ang kanilang 1st anniversary kamakailan lang, naibahagi ng binata na lumabas sila na silang dalawa at kumain sa isang hotel na pakiramdam nila ay safe sila.

Tuwang-tuwa ang fans na meron pala silang safe zone na tinatawag kung saan sila nagkikita at nagba-bonding.

PAK: Ayaw pa rin kaming sagutin ni Jolo Revilla kung talagang nagkabalikan na nga ba sila ni Jodi Sta. Maria. Madalas na ang pagkikita nila at naipu-post pa ito ni Jolo sa kanyang Instagram account.

Kamakalawa ng gabi lang ay naka-dinner ni Jolo ang mga classmates niya sa grade school at kasama niya roon si Jodi. Tinanong nga namin kung balikan na nga ba talaga, pinorward lang niya ang komento ng isang follower niyang “#relationshipgoals” with mat­ching “hehehe”.

Napagdudahan tuloy ng iba na baka para lang daw sa promo ng Achy Breaky Hearts ang pag-amin noon ni Jodi na break na sila. Pero nakikita naman namin si Jolo na malungkot nung naghiwalay sila. Ngayon ay laging naka­ngiti at mukhang inspired ang Vice Governor ng Cavite.

BOOM: Nagharap sa prose­cution office kahapon ng hapon ang mag-asawang Timothy Tan at Sunshine Dizon.

Pangalawang beses na pala silang nagharap sa korte kung saan dininig ang kasong Habeas Corpus sa sala ni Judge Cleto Villacorta ng Branch 229 ng Quezon City Hall of Justice. Pagkatapos nun ay didinggin pa dapat ang kasong Concubinage at Anti-Violence Against Women and Children pero ipina-move na ito sa August 18.

Maselan ang kasong Habeas Corpus dahil may kaugnayan ito sa Child Custody kaya merong gag order. Hindi sila puwedeng magsalita kung ano ang napag-usapan sa kanilang paghaharap. Pero open naman si Sunshine sa posibleng pagkakasundo para sa kanilang dalawang anak, pero sa kanilang mag-asawa hindi na raw talaga. “Maybe for the children yes, pero ‘yung sa amin wala na po,” diretsong sagot ng Kapuso actress.

Diretso rin ang sagot niyang hindi niya ibibigay ang annulment, o hindi siya makipag-cooperate kung sa­ka­ling mag-file si Timothy ng Annulment. Hindi naman nagsa­lita si Timothy tungkol sa nangyari. Tama na raw na nagbigay siya ng statement noon at hindi na raw siya magsasalita ng kahit ano.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with