^

PSN Showbiz

Alden at Maine swak ang mga natapos na kurso sa negosyo!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Kung buhay sana ang yumaong ina ni Alden Richards na si Rosario Faulkerson, tiyak na ito ang unang-unang matutuwa sa magandang takbo ng career ng kanyang anak.

Kung matatandaan pa, ang ina ni Alden ang pursigido na mapasok ng anak ang showbiz.

Ang ina ni Alden ang mahilig isali ang anak sa iba’t ibang modeling at male beauty pageants at kasama na rito ang Ginoong Santa Rosa kung saan niya hawak sa loob ng dalawang taon (2009 at 2010) ang titulo.

Pero nabago ang takbo nang career ni Alden nang siya’y mapabi­lang sa longest-running noontime show na Eat Bulaga kung saan aksi­denteng na­buo ang tambalan nila ni Maine Mendoza na halos kapapasok lang din noon bilang bahagi ng Juan for All, All For One, isang segment ng programa kung saan niya kasama sina Jose Manalo at Wally Bayola na dumarayo sa iba’t ibang lugar ng Metro Manila at ibang karatig lugar.

Ang isa sa mga poste ng Eat Bulaga na si Joey de Leon ang nakaisip ng Kalyeserye.

One year after (noong July 16, 2016), napakalayo na ng narating ng tambalan nina Aden at Maine na kinu-consider ngayon bilang phenomenal loveteam.

Bukod sa kanyang yumaong ina at pamilya, buong pusong pinasa­salamatan ni Alden ang mga taong naging daan niya kung anuman ang kanyang narating ngayon. Pinasa­sa­lamatan din siyempre ni Alden ang kanyang ka-loveteam na si Maine na isa rin sa mga instrumento sa kasikatang tinatamasa nila.

At 24, sobra-sobra na ang blessings na duma­ting kay Alden at patuloy pang dumarating at nagpapasalamat siya dahil unti-unting nabuo at natupad ang kanyang mga pangarap.

Bukod sa trabaho, priority kay Alden ang kanyang pamilya.

Parehong tapos sa kanilang pag-aaral sa koliheyo sina Alden at Maine at related din ang school na kanilang pinag-aaralan in college – De La Salle University.

Si Alden ay nagtapos ng Business Management sa De La Salle University – sa Biñan, Laguna at si Maine naman ay nagtapos sa De La Salle College of St. Benilde sa Manila at kumuha siya ng Bacherlor’s Degree in Hotel Restaurant and Institution Management major in Culinary Arts. Kumuha naman siya ng kanyang internship sa The Sagamore in Bolton Landing sa New York City, USA (no less).

Sa Sta. Rosa, Laguna south nakatira si Alden at ang kanyang pamilya habang si Maine naman ay sa Sta. Maria, Bulacan sa north nakatira with her family.

Maganda ring pagsamahin ang kursong tinapos nina Alden at Maine for them to put up their own (restaurant) business balang araw. Business Management ang tinapos ni Alden at Hotel/Restaurant Management naman si Maine.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with