^

PSN Showbiz

Kaya pala hiniwalayan, Ciara nahuli ang asawa

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Naging kontrobersyal ang paghihiwalay ni Ciara Sotto at businessman na si Jojo Oconer kamakailan. Ayon sa aktres ay naka-move on na siya mula sa relasyon nila ni Jojo bilang mag-asawa. “Parang ayaw mo lang kasi i-tolerate, so parang okay na ako do’n. parang gano’n, hindi ko lang kaya na disrespected ako at ‘yung family ko,” makahulugang pahayag ni Ciara.

Nagpasyang makipaghiwalay ang aktres sa lalaki dahil sa ilang mga pangyayari. “Noong nakita ko, ‘yun na ‘yun. Parang ano lang kasi siya, feeling ko talaga nabastos ako bilang nanay, bilang katrabaho, bilang babae,” pagbabahagi ni Ciara.

Kahit magkahiwalay na ang dalawa ay mayroon pa rin naman daw silang komunikasyon. “Medyo friend naman kami. So hindi naman kami enemies. Nag-uusap naman kami at kung gusto niyang makita ang anak namin, nakikita naman niya. So ‘yon ‘yung okay do’n,” giit ng aktres.

Ayon pa kay Ciara ay ang kanyang anak na lalaki, mga magulang at mga kapatid ang nakatulong sa kanya upang malampasan ang naging problema nila ni Jojo. “Okay na kasi ako, ‘yung anak ko lang talaga ang nagpapasaya sa akin at ‘yung buong family ko, ‘yung parents ko, thankful talaga ako. Because I’m in my parents’ house, madali kasi siyempre may kasama ako palagi pero siguro kung hindi ako do’n tumuloy or talagang mag-isa kami ng anak ko, baka malungkot nga. Siyempre sanay ka na lagi kaming magkasama. ‘Yung parents ko kung saan sila masaya doon sila, very thankful ako lalo na madasalin ‘yung parents ko, nakuha ko rin ‘yun basta kapit lang kay Lord. Ako promise ko kay Crixus (anak ni Ciara) ever since kahit kay God, sana maibigay ko lahat ng gusto niya. Lahat ng kailangan niya and all the love in the world. Kung pwedeng gawin ko sa kanya sana he can be anyone that he wants to be whenever he’s with me,” pagbabahagi ng aktres.

Joshua type na type ang pagiging mahinhin ni Kathryn

Kasama si Joshua Garcia sa bagong pelikulang pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Kasama rin si Joshua ng dalawa sa shooting sa Barcelona, Spain kamakailan.

Aminado si Joshua na crush niya si Kathryn kahit alam niyang may ugnayan na sa pagitan ng aktres at ni Daniel. “Crush ko si Kathryn, wala naman din po kaming ilangan ni Daniel. Siguro ‘yung pagiging mahinhin niya at saka babaeng-babae talaga. At saka para siyang sobrang bait magsalita,” paglalarawan ni Joshua kay Kathryn.

Samantala, kabilang ang aktor sa teleseryeng The Greatest Love na ayon kay Joshua ay may pagkakahawig ang istorya nito sa totoong buhay. Aminado ang aktor na hindi siya malapit sa ina at ganito rin daw ang takbo ng kwento ng kanyang karakter sa bagong soap opera. “Nami-miss ko rin (ang sariling ina) pero naiintindihan ko rin naman na busy siya sa trabaho niya, marami siyang ginagawa, inaasikaso pa niya ‘yung mga kapatid ko sa kanya na dalawa,” makahulugang pahayag ni Joshua.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with