^

PSN Showbiz

Billy minani lang ang kabadingan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Binigyan nina Mother Lily at Roselle Monteverde ng solo presscon kahapon si Billy Crawford dahil hindi ito nakadalo sa grand presscon ng That Thing Called Tanga Na noong nakaraang linggo.

Na-confine si Billy sa ospital dahil sa pneumonia kaya hindi siya umapir sa cast presscon ng comedy movie ng Regal Entertainment, Inc. na showing sa mga sinehan sa August 10.

Security guard na bading ang role ni Billy sa That Thing Called Tanga Na. Bigay na bigay ang pagiging baklita ni Billy sa mga eksena niya sa pelikula pero never na pagdududahan ang kanyang sexual preference dahil tunay na lalaki siya.

Si Joel Lamangan ang direktor ng That Thing Called Tanga Na at first time niya na nakatrabaho si Billy. Bumilib si Joel sa acting ni Billy na isang mahusay na aktor dahil nahasa siya sa That’s Entertainment.

Bago naging international singer si Billy, sikat na child actor siya at lumabas sa maraming pelikula ng Seiko Films.

Susan ginulat ni Sen. Grace

Belated happy birthday kay Susan Roces, ang Manang Inday ng showbiz.

Kahapon ang happy birthday ni Manang Inday na 75 years old na pero taglay pa rin ang “the face that refreshes.”

Isang surprise birthday asalto ang handog ni Senator Grace Poe sa kanyang ina sa Manila Polo Club.

Lingid sa kaalaman ni Manang Inday, pinagsabay ni Mama Grace at ng mister nito na si Neil Llamanzares ang birthday party niya at ang silver wedding anniversary celebration ng mag-asawa.

Tuwang-tuwa si Manang Inday sa unexpected surprise na bumulaga sa kanya sa Manila Polo Club. Maligayang-maligaya ang Reyna ng Pelikulang Pilipino dahil sa presence ng kanyang mga mahal sa buhay at mga kaibigan.

Wala nang mahihiling pa si Manang Inday para sa  75th birthday nito, maliban sa good health para sa kanya at sa pamilya niya.

Gladys instant photographer!

Invited si Gladys Reyes sa wedding anniversary party ni Mama Grace na dating bossing niya sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Si Gladys at si Quezon City Councilor Roderick Paulate na parehong nakatrabaho ni Manang Inday sa pelikula at telebisyon ang mga emcee ng programa.

Naghandog naman ng mga kanta sina Martin Nievera, Jona, Ogie Alcasid, Regine Velasquez at Rico Puno.

At dahil masipag kumuha ng litrato si Gladys, siya ang nag-share ng mga kaganapan sa unforgettable 75th birthday ni Manang Inday at ng 25th wedding anniversary nina Mama Grace at Neil.

Paolo mas enjoy sa bakasyon kaysa rumaket sa out-of-town

“Waley pa” ang consistent na sagot ni Paolo Ballesteros sa mga nangungulit kung kailan siya babalik sa Eat Bulaga.

Matagal nang suspended si Paolo sa Eat Bulaga. Tanggap na niya ang parusa na ipinataw sa kanya ng management pero ang fans ang hindi maka-move on dahil super-affected sila.

Sa totoo lang, kahit six months suspended si Paolo, may kapalit ito na maganda dahil dalawang pelikula ang kanyang nilalagare, ang Die Beautiful at ang Bakit Lahat ng Guwapo, May Boyfriend?

Hindi rin nawawalan si Paolo ng mga offer para sa mga out-of-town show pero siya ang tumatanggi dahil ini-enjoy niya nang todo ang kanyang forced vacation.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with