^

PSN Showbiz

Jessy hindi sinipot ni Luis sa FHM Victory party, pero all out ang papuri kay Ate Vi

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Si Benjamin Alves ang leading man ni Julie Anne San Jose sa music video ng kantang Naririnig Mo Ba na carrier single sa bagong album niyang Chasing The Lights. Pero mukhang para rin kay Benjamin niya na-dedicate ang naturang kanta. Pero para nga ba kay Benjamin ang kantang iyon?

“Nung sinulat ko yung song, I’ve known him already, pero hindi pa kami close.”

Magkasundo pa ang dalawa dahil pareho silang mahilig magpa-fit ng katawan. Lalo pa ngang sumeksi ngayon si Julie Anne at pati si Benjamin na kailangan daw dahil lagi siyang naka-topless sa A1 Ko Sa’yo na mapapanood mamayang gabi.

PAK: Diretso ang sagot ng maybahay ni Sen. Bongbong Marcos na si Mrs. Liza Araneta-Marcos na dahil sa nangyari sa nakaraang eleksyon, hindi na raw siya boboto.

“Ako personally, ‘di na ako boboto ever in my life until maayos itong automated system. Kasi nakakahiya ‘yung nangyari eh. Kawawa naman ‘yung mga anak natin,” pakli ni Mrs. Marcos.

Abogado rin daw siya kaya alam daw niyang alam ni VP Leni Robredo ang mga nangyayari nung nakaraang eleksyon.

Hinaharap na lang nila ngayon ang election protest na isinumite nila, at naniniwala silang lalabas din naman ang buong katotohanan pagkatapos maglabasan ng sangkatutak na ebidensya.

BOOM: Wala si Luis Manzano sa FHM Party na ginanap sa Valkyrie Club kamakalawa ng gabi.

Si Jessy Mendiola ang rumampang No. 1 Sexiest Pinay kaya hinanap sa kanya si Luis kung nanood ba ito. Hindi naman daw niya inimbita. Ang pagkakaalam niya ay may taping ito.

Pero itinanggi ni Jessy na mag-dyowa na sila ni Luis. “Hindi pa. ‘Pag ‘yun na!” tipid niyang sagot nang tinanong kung kailan na sila aamin ni Luis.

Sa ngayon ay ayaw na niyang mag-entertain ng kanegahan. Mas excited siyang pag-usapan nang magkita sila ni Cong. Vilma Santos na napakabait daw sa kanya. Inimbita raw siyang mag-dinner sa tahahan nila at natakot siya nung una, pero napakabait daw pala nito.

“Sobrang kinabahan ako. Pero sobrang mabait siya. Nakakatuwa kasi pagpasok ko pa lang sa bahay nila, sobrang welcome na ganyan. I can attest na talagang mabait si Cong. Vi,” masayang kuwento ni Jessy.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with