^

PSN Showbiz

Coleen nasa bucket list si John Lloyd!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sunud-sunod ang acting projects ni Coleen Garcia ngayon. Pagkatapos ng pelikulang Love Me Tomorrow na ipinalabas kamakailan ay ang Extra Service naman ang pinaghahandaan ngayon ng aktres.

Napansin din si Coleen sa espesyal na pagganap sa Maalaala Mo Kaya noong nakaraang Sabado. Masayang-masaya ang aktres dahil sa mga proyektong kanyang ginagawa sa ngayon. “I’m just enjoying so much that I don’t want to think of doing anything else at the moment because I’m really so, so happy and so passionate with what I’m doing right now,” bungad ni Coleen.

Nangangarap daw ang aktres na makatrabaho sa pelikula ang ilang Kapamilya actors. “Top of my bucket list is really John Lloyd Cruz because I’ve seen his work and he is such a talented actor, very deep actor. That’s what I like actually and that’s what I look for actors, the depth of the way that play their characters, ‘yung may lalim talaga. Of course si Coco Martin. I’ve heard so many good things about Coco and I hear na pwede na rin siyang maging director sa pag-aalalay niya sa lahat ng co-workers niya. So hearing that alone, I could assume that by working with Coco, you would actually learn so much from him,” pagbabahagi ni Coleen.

Coco at Cesar gagawin ang remake ng Utol

Kamakailan ay nagkaroon ng guest appearance si Cesar Montano sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin. Aminado si Coco na talagang hinahangaan niya si Cesar bilang aktor kaya isang malaking karangalan daw na nakatrabaho niya ito. “Napakagaling po hindi lang sa action kundi pati sa drama. Kasi napaka-relaxed niyang artista eh. Seasoned actor ‘yan, napakarami kong matututunan at saka sobrang bait niya. Kaya no’ng nakita ko na siya, hindi ko talaga napigilan, niyakap ko siya unang kita pa lang namin. Hindi ko maipaliwanag, sana balang araw, sana kahit kalahati niya maabot ko,” nakangiting pahayag ni Coco.

Pagkatapos ng maikling panahon na nagkatrabaho ang dalawa sa serye ay posible raw na magsamang muli para sa isang pelikula. “Kasi kami ni kuya Buboy, usually ‘pag nag-a-advice siya sa akin, sabi ko, ‘Kuya Buboy, sana balang araw hindi lang ito ‘yung mapagsamahan natin. Sana makagawa rin tayo ng pelikula. Alam mo, sobrang gusto ko ‘yung dati mong pelikula with Victor Neri na Utol.’ So sabi niya, ‘Eh ‘di gawin natin! Or i-remake natin.’ Sana nga po,” kwento ng aktor.

Ngayon ay ang karakter ni Vice Ganda naman bilang si Ella ang kinagigiliwan ng mga manonood sa nasabing serye. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto raw muli ni Coco na makapag-guest ng iba pang action stars. “Siyempre si Robin (Padilla), si Phillip Salvador, marami po. Sobrang blessed ko na, kasi makatrabaho ko lang ‘yung mga hinahangaan kong artista, sa sobra-sobra kong natututunan sa kanila, ‘yon ding shini-share nila sa project namin, sobrang blessing na ‘yon sa akin,” pagtatapos ni Coco.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with