^

PSN Showbiz

Alden cancelled concert king ang bagong title! Direk Brillante natensiyon sa mga adlib ni Digong

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Si Heart Evangelista ang isa sa napiling best-dressed sa mga dumalo sa kauna-unahang SONA ni Pres. Rodrigo Duterte. Naka-pantalon lang siya na simpleng outfit ni Massimo Dutti. Pero sa opening ng senate and congress joint session ay simple lang din na white Mestiza dress ang suot niya pero ele­gante ang dating.

Gawa ito ni Ivarluski Aseron with matching clutch bag na Love Marie Clutch bag na gawa niya at siya rin ang nag-paint ng design.

Ilan pa sa mga taga-showbiz na impressive sa simpleng suot nila ay sina Gretchen Barretto, Dina Bonnevie, Cong. Lucy Torres at kahit si Cong. Vilma Santos.

Hindi naman nakaligtas sa bashers si Sen. Nancy Binay na ang isinuot na gown sa Senado ay ikinumpara sa goldfish at ang dalang clutch bag ay ikinumpara naman sa lyanera ng leche flan. Si Sen. Binay talaga ang paboritong paglaruan at kung anu-anong memes ang naisip sa kanya.

PAK: Tuloy ang magkakaibang komento sa pagdirek ni Brillante Mendoza sa nakaraang SONA ni Pres. Digong. Karamihan ay pinuri pero may ilang taga-showbiz na hindi gaanong nagustuhan ang style niya.

Pinuri nila ang kakaibang shots ng pangulo kagaya ng under the table shot at ang close-up na kuha sa kamay at tight shots ng mukha.

May nagkomentong mala-indie film din daw ang dating, at magalaw na kuha ng ilang shots.

Pero masaya si direk Brillante sa resulta nang pagdirek niya sa SONA dahil nagawa naman daw ang gusto niyang gawin. Aminado siyang kabado siya habang nagsu-SONA si Pres. Digong, dahil hindi raw kasi nila na-rehearse ang presidente. Lalo na nung nag-adlib ang presidente, nataranta na siya dahil sumusunod sana siya sa kopya ng speech. Aware naman daw siyang hindi mapi-please ang lahat, pero okay na siya dun.

BOOM: Dedma si Alden Richards sa ibinabansag sa kanya ng ibang bashers na “Cancelled Concert King” daw siya.

May dalawang concert dito ang Pambansang Bae na nakansela na may valid na dahilan naman.

Kaya unfair naman daw na bansagan ng ganun si Alden. Hindi na raw bago ang ganung paninira kay Alden kaya hindi na siya apektado. Napatunayan naman ang lakas ni Alden sa nakaraang concert niya sa Singapore, ang One Fine Day with the Bae na napuno ang venue.

Sa katunayan, babalik uli si Alden doon sa December at kasama naman niya si Maine Mendoza.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with