^

PSN Showbiz

Karla ipinagmalaking mas mataas ang rating ng morning show nila kesa dating show ni Kris

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi sukat akalain ng mga tampok na artista ng Funny Ka Pare Ko na napapanood tuwing Linggo ng gabi sa Cine Mo channel ng ABS-CBN, na aabot ang programa nila ng second season. Sorpresa lalo para kina Karla Estrada, Bayani Agbayani, Jason Gainza at mga kasamahang komikero na may nagbibigay sa kanila ng time na panoorin ang Funny Ka, Pare Ko lalo’t matatagal na ang mga kasa­bayan nilang palabas, pero talagang nakakatawa ito kung kaya mabilis silang humila ng ma­nonood sa kalabang programa. Ngayon ay makakadalawang season na ang sitcom. Sa halip na maputol ang programa at mapalitan ng iba ay binigyan pa ito ng panibagong buhay sa gitna ng katuwaan lalo na ni Bayani Agba­yani dahil nag-iisa itong programa niya sa ABS-CBN, wala na siyang iba pang palabas dahil iniwan na niya ang TV5 at nakapag-ikot na siya sa maraming network. Nananalig na lamang siya na maganda ang resulta ng test broadcast na ginagawa ng Cine Mo kung kaya extended sila. Gusto rin niyang maniwala na nagugustuhan ang tandem nila sa show ni Karla Estrada kahit ngayon lamang sila nagsama.

Para sa panibagong season bibigyan ito ng Cine Mo ng lasa ng romansa. Bukod pa sa ipinagkakaloob nina Karla at Bayani kasama na rin sa second season ng nakakatawang pa­labas ang pareha na nagmula sa Pinoy Big Brother para sa dalawa nilang “graduates” na sina Miho Nishida at Tommy Esguerra. Mapapalitan na ang dalawa sa PBB dahil ka­salukuyan nang tumatakbo ang bagong edis­yon ng sikat na reality show. Kasabay naman nito ang tangkang pagpapasikat sa dalawang housemates na mayroon ng malaking follo­wing at handa na sa kanilang panibagong pa­kiki­pagsalapalaran. Marunong nang mag-Ingles si Miho at nakakaintindi na’t nalapagsasalita na ng Tagalog ang guwapong si Tommy. Mayroon na ring nabuong relasyon sa pagitan nila na hinahangad ng sinalihan nilang programa na magawang advantage. Wala namang pagtutol na nararamdaman at nakikita sa mga dinatnan nila ang ToMiho. Mas ramdam nila ang kagalakan ng mga nagsimula nang programa sa pag-join nila sa kanila.

Ang hindi inaasahan ng ToMiho ay ang mabulol sila’t hindi maka-react sa unang pagsalang nila sa kamera. Pero andun ang mga kasamahan nila para sila alala­yan kaya naging madali ang trabaho nila.

Bago nasama sa Funny Ka Pare Ko ang ToMiho ay sumalang na sila sa ma­raming workshops. Lumabas na rin sila sa mga prog­rama ng Dos para masanay sila at hindi manibago sa harap ng kamera. Tatangkain din na maimbitahan sa show si Daniel Padilla. Makakatulong sa prog­rama ang paglabas niya dahil hindi pa naman lumalaylay ang kasikatan nila ni Kathryn Bernardo at makaka­tulong ang show para maipamalas ang talento ng Teen King sa co­medy.

Samantala, wala namang na­ra­­­­ramdamang pag-aalala ang ina ni Daniel sa napi­pin­tong pagbabalik ni Kris Aquino sa Kapamilya Network.

“Mataas ang ra­tings ng Magandang Buhay, ngayon lang nag-rate ng ganun kataas ang isang morning show ng Kapa­milya. Nasa ABS-CBN na ang pag­papasya kung ano ang gagawin nila sa show, kung ibabalik nila ang slot  kay Kris,” ani Karla.

Kesehodang sirain ang pangako Pacman mas pinahahalagahan ang pera!

Kahit ano’ng dahilan mayroon si Sen. Manny Pacquiao sa pasya niyang pagbabalik sa ring, hindi ito tatanggaping ma­ganda ng mga tagasubaybay niya. Basta sa isip nila, sumira sa pa­ngako niya ang sikat na boksingero. Nakita na nila ang naging mala­king kasiraan sa pa­gi­ging kongresista ng Pambansang Ka­mao sa madalas niyang pagkawala sa sesyon sa Kongreso at ito ang tumatak sa isip nila. Kung hindi lamang sa pangako nito na iiwan na ang pagboboksing at magtutuon na lamang sa kanyang trabaho sa pulitika ay baka hindi ito nanalo bilang senador.

Tapos ngayon babalik siya ng ring? Marami ang ibinibigay niyang dahilan para sa kanyang muling pagbo-boksing, pero nag­simula nang mabawasan ng malaki ang tiwala sa kanya ng sambayanan. Obvious at tinatanggap nila na mas pinahahalagahan ng senador ang malaking pera na kikitain niya sa pagbo-boksing. Anumang ma­gandang paliwanag ang gawin niya, ang importante ay binigo na naman niya ang mga naniniwala sa kanya sa ginawa niyang pagsira sa kanyang pangako. ‘Yun na!

Angeline mas nakakatawa kesa kay Kiray

Kwidaw si Kiray Celis dahil si Angeline Quinto pala ang mahigpit niyang kalaban sa pagiging Comedy Princess. Kahit ngayon lang nakita ang flair for comedy ng magaling na singer at ipinalalabas pa lamang ang first venture niya into comedy, still mabilis siyang nakahabol kay Kiray. May second comedy movie na nga itong gagawin. Magaling si Kiray, pero tanggapin niya na mas may maio-offer ang magaling na singer kaysa sa kanya. Marunong itong kumanta, mas may height at hindi nakakatawa dahil nakakatawa kundi dahil marunong magpatawa. Gets n’yo ‘yun, fans?

Kamalditahan ni Maine suportado ng kanyang fans

Galit ba ang entertainment press kay Maine Mendoza dahil hindi nito ipinakikita sa media ang nakauga­lian na nilang importansya at suportado ng fans ng phenomenal star ang kanyang kamaldita­han? Paano naman kasi, panay ang pamba-bash ng fans ni Maine sa press sa negang panulat ng mga ito kay Yaya Dub. Ako rin siguro ay naba-bash? Wala kasi akong account sa social media at ignorante ako maski na sa cellphone kaya hindi nila ako abot. But then, I’ve never been personal in my writing, report lang and comment ang ginagawa ako. Kung ayaw nila ng opinyon ko, eh ‘di huwag. Isinisulat ko lamang ang pinaniniwalaan ko.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with