^

PSN Showbiz

Brillante official director na ni Digong

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Hindi ikinakaila ng Cannes Films Festival Best Director na si Brillante Mendoza na kinabahan at na-stress umano siya sa pagdi-direk ng kauna-una­hang State of the Nation Address (SONA) ng bagong upong presidente ng bansa, si Pres. Rodrigo “Digong” Duterte last Monday, July 25 ng hapon na talagang tinutukan ng Sambayanang Pilipino maging ng ating mga kababayan na nasa ibang bansa.

Although maayos na nairaos ang SONA ni Pa­ngu­long Digong sa kabila na marami niyang adlib, hindi naman nakiayon ang mikropono at sound system habang inaawit ni Bayang Barrios ang Philippine National Anthem.

Although formal ang nasabing okasyon, may mga pagkakataon na inilalabas ni Pangulong Digong ang kanyang naturalesa sa pagsasalita at kitang-kita na hindi siya sanay sa pagbabasa ng speech using a teleprompter.

Kung sinunod daw ni Pangulong Duterte ang pagbabasa ng kanyang prepared speech, aabot lamang umano ito ng halos 40 minutes pero dahil sa adlib umabot ito ng mahigit isang oras.

Ngayong nalusutan na si Direk Brillante ang pagdidirek ng SONA ni Pangulong Digong Duterte, mas madali na para sa kanya ang susunod na events ng pangulo na siya pa rin ang magdidirek.

Isabel Rivas lola na rin

Sa isang buwan (August) ay isa nang ganap na lola ang veteran actress na si Isabel Rivas dahil nakatakdang isilang ng kanyang manugang, ang dating Kapuso actress na si Nadine Samonte ang kanyang magiging unang apo sa kaisa-isang anak na si Richard Chua.

Baby girl ang nakatakdang isilang ni Nadine na may nakahanda nang pangalan na Heather Sloane.

Ang mag-asawang Richard at Nadine ay ikinasal noong October 30, 2013 sa farm mismo ni Isabel sa Zambales.

Pamilya ni Cheska mabenta sa commercial

Kung in demand ang pamilya ng mag-asa­wang Carmina Villarroel at Zoren Le­gaspi kasama ang kanilang twins na sina Mavy at Cassy, ganoon din ang nangyayari ngayon sa mag-asawang Doug Kramer at Cheska Garcia kasama ang kanilang tatlong anak na sina Clair Kendra, Scarlett Louville at Gavin Phoenix na marami-rami na rin ang mga TV commercial.

Si Cheska ay ang aktres at nakatatandang kapatid ng actor na si Patrick Garcia. Magmula nang mag-asawa at magkaroon ng mga anak si Cheska ay bihira na itong gumawa ng mga proyekto sa TV at pelikula.

Mga nangangailanganng tulong sa showbiz dumarami

Maraming mga taga-industriya ang nangangailangan ng tulong mula sa kanilang mga kasamahan sa trabaho at sa mga taong may pusong tumulong sa mga nangangailangan.

Not too long ago, nangailangan ng tulong pinansyal ang actor na si Julio Diaz na nalagay din sa kritikal na kundisyon.

Ito’y sinundan naman ng vete­ran character actor na si Dick Israel na nagka-stroke at nasunugan ng bahay. Marami ang tumulong kay Dick laluna nang ito’y ma-feature sa Rated K ni Korina Sanchez. Bukod kay Dick Israel, ang isang artista na nangangailangan ng tulong ngayon ay ang komedyanang si Matutina ng now-defunct weekly comedy show na John en Marsha na pinagbidahan ng yumaong Comedy King na si Dolphy at ni Nida Blanca kung saan tumatak ang isa pang yumaong komedyana na si Dely Atay Atayan. Si Matutina ay kasalukuyang naka-confine sa isang pagamutan at kailangang sumailalim ng operasyon ng thyroidectomy.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with