Lovi Kapuso pa rin!
SCENE: Sa Huwebes, July 28, ang unang araw ng shooting nina Anne Curtis, Dennis Trillo at Paolo Ballesteros para sa Bakit Lahat ng Guwapo, May Boyfriend, ang bagong movie project ng Viva Films.
SCENE: Hindi na gaanong maingay ang victory party ng FHM Men’s Mag na ginanap kagabi sa isang night club sa Taguig City. Maliit na ang venue ng event dahil nagtipid ang organizer.
SEEN: Pagkatapos makipagkita kay Coco Martin noong nakaraang linggo, nakipagkita naman si PNP Chief Superintendent Ronald “Bato” dela Rosa kay Willie Revillame. Informal ang pagtatagpo ng dalawa dahil T-shirts, shorts at tsinelas lamang ang suot nila.
SEEN: Ang thanksgiving party kahapon ni Mel Tiangco na ginanap sa GMA-7 lounge para sa lahat ng mga executive ng Kapuso Network, staff ng Magpakailanman at sa mga sumusuporta sa Kapuso Foundation na pinamumunuan niya.
SCENE: Ang contract signing kahapon ni Lovi Poe sa GMA-7. Ang Someone to Watch Over Me ang unang project ni Lovi sa kontrata na ni-renew niya sa kanyang home studio.
- Latest