^

PSN Showbiz

Sandro Marcos walang angal sa bansag na look-alike ni Charice

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Alalay na lang ng kanilang anak na si Sandro ang pakilala ng mag-asawang Liza Araneta-Marcos at Senator Bongbong Marcos.

Gulat na gulat ang mag-asawa dahil hindi nila inaasahan na magiging popular si Sandro na naging visible nang mangampanya si Papa Bongbong noong kumandidato ito bilang vice president ng Pilipinas.

Natatawa si Papa Bongbong nang ikuwento nito na nasa isang tabi na lang sila ng kanyang misis habang marami ang nagpapakuha ng litrato na kasama ang kanilang panganay na anak.

Parehong proud parents sina Papa Bongbong at Mama Liza kay Sandro dahil hindi ito affected ng kanyang sudden popularity.

Hindi rin na-offend si Sandro sa biro na magkahawig sila ni Charice. Happy pa nga ang bagets dahil successful singer ang sinasabi na kalokalike niya.

College graduate na si Sandro pero mag-aaral uli ito kaya babalik siya sa London sa August 30. Tiniyak ni Sandro ang kanyang pagbabalik sa Pilipinas dahil hindi niya ma-imagine na magtatrabaho siya sa ibang bansa.

Mukhang namana ni Sandro ang pagiging makabayan ng kanyang ama at ng lolo niya, si former President Ferdinand Marcos. Mga kuwento na lang tungkol sa kanyang lolo ang naririnig ni Sandro dahil hindi pa siya isinisilang nang mamatay ang tatay ni Papa Bongbong.

Manay Ichu pinaiyak ang misis ni Sen. Bongbong

Napaluha naman si Mama Liza sa kuwento ni Manay Ichu Vera Perez Maceda tungkol kay Bongbong at sa dating pangulo.

Matagal na nakasama ni Manay Ichu ang mga Marcos sa Hawaii noong 1986.

Nagboluntaryo si Manay Ichu na maging personal secretary ng mga Marcos dahil nag-disappearing act ang mga tao na nakapaligid noon sa First Family.

Saksi si Manay Ichu sa mga kababayan natin sa Hawaii na bumibisita sa tahanan ng mga Marcos at nagdadala ng mga damit, pagkain, sari-saring gulay at datung.

Naiyak si Liza nang ikuwento ni Manay Ichu ang kabutihan ng pangulo at ang effort nito na sagutin ang mga sulat na ipinadala sa kanya ng mga bata. Ang sabi ni Manay Ichu, likas na malapit sa mga bata ang ama ni Papa Bongbong.

Jake at Sandro BFF

Niyaya ni Papa Bongbong ang entertainment press na bumisita sa Ilocos Norte, ang bayan na pinagmulan ng tatay niya.

Matagal-tagal nang hindi nakakauwi sa Ilocos Norte si Papa Bongbong kaya iniimbitahan niya ang entertainment writers na samahan siya.

At home na at home sa piling ng entertainment press ang pamilya ni Papa Bongbong. Pati ang kanyang anak na si Sandro, enjoy sa pakikipagkuwentuhan sa showbiz reporters.

May mga offer kay Sandro na television guestings at open siya sa idea pero depende ito sa kanyang schedule dahil kailangan na niya na bumalik sa London.

Close friend ni Sandro si Jake Ejercito, ang anak ni Manila City Mayor Joseph Estrada. Nag-aral din si Jake sa London at hanggang ngayon, may communication sila ni Sandro.

Apat na Sang’gre nakisaya sa Star Group

Mga bisita kahapon sa anniversary party ng Star Group of Companies ang apat na Sang’gre ng Encantadia, sina Kylie Padilla, Sanya Lopez, Glaiza de Castro at Gabbi Garcia.

Timing na timing ang pagdalo ng apat sa bonggang selebrasyon ng Star Group of Companies dahil na-remind nila sa lahat na panoorin ang kanilang telefantasya ng GMA-7.

Kaabang-abang ang episode ngayong gabi ng Encantadia dahil lalabas na sina Kylie, Glaiza, Gabbi at Sanya. Excited na ang apat na mapanood ang mga sarili sa sikat na telefantasya ng Kapuso Network.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with