^

PSN Showbiz

Christian at GF todo mag-PDA sa simbahan!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Na-distract ang mga nakasabay magsimba nina Christian Bautista at non-showbiz girlfriend niyang si Kat Ramnani, head of music content ng Globe Telecom, noong nakaraang linggo.

Ang kuwento ng aking saksi, late dumating ng simbahan ang magkarelasyon, sa Santuario de San Antonio sa McKinley Road, Forbes, Makati para sa 6:00 p.m. mass. Eh pag na-late ka lang daw ng konti sa nasabing oras ng misa, wala ka na talagang mauupuan. Puntahan ng mayayamang nakatira sa nasabing lugar ang naturang simbahan.

Anyway, dahil late nga ang mag-dyowa,  nakatayo na sila. Pero imbes na mag-concentrate daw ang da­lawa sa pakikinig sa misa aba walang ginawa ang girlet kundi maglambing kay Christian. “Talagang yakap siya nang yakap. Sobra ang public display of affection nila. Nakaka-distract. Eh ang distansiya ko lang parang six feet away lang sa kanilang kinatatayuan,” iritableng kuwento ng source ko.

May eksena pa raw na panay ang sandal ng ulo ni girl sa balikat ni Christian na siyempre ay ginagantihan naman daw ang sweet gestures ng singer/actor. “Pero more on sa girl talaga. Siya ‘yung panay ang yakap kay Christian. Ok lang ‘yun kung wala sila sa loob ng simbahan at ongoing ang mass. Sobrang nakaka-distract. Hindi naman ‘yun wedding,” patuloy pang kuwento ng source.

Actually mas una pang napansin ng source ang Bombay na girl kasi nga agaw attention talaga. At matagal-tagal bago niya nakilala si Christian.

Oo nga naman. Hindi tama. Sana hindi na lang sila nagsimba kung maglalampungan o magkodyondian lang sila sa loob ng church.  Hindi na nila iginalang ang misa.

Super proud siguro si girlet kay Christian at gustong ipangalandakan sa lahat, ‘huy ako ang girlfriend niya.’

Kamakailan ay pumirma ng panibagong kontrata si Christian sa GMA 7. Bukod sa kanyang character sa Sang’gre, magho-host din si Christian ng talent search sa Kapuso Network.

Angel pinatulan ang panlalait ng fan ni Jessy!

Nag-react si Angel Locsin sa comment ng isang netizen na mas sexy si Jessy Mendiola kesa sa kanya. Ang eksaktong comment ng isang fan ng FHM sexiest : “Feeling sexy mas sexy pa si jessy sayo best actress pa si jessy number one sikat worldwide eh ikaw haha”

Naloka siguro si Angel kaya naman hindi siya nakatiis at nag-comment ng “Ayos” with matching thumbs up.

Big deal ang ginawa ni Angel dahil naging mainit ang isyu sa kanila ni Jessy and Luis Manzano kamakailan matapos ang interview ni Angel at lumutang ang anggulong naging third party si Jessy na mabilis klinaro nina Luis at Jessy na nang mag-date sila, matagal nang wala sina Angel at TV host/actor. Ultimo nga raw si Cong. Vilma Santos ay nagulat na may isyung third party.

Umano’y kasalukuyan pang nasa dating stage sina Luis at Jessy kahit sinasabi ng iba na sila na nga.

Si Angel naman ay wala pang sinasabi o nababalita na nakikipag-date sa iba matapos niyang sabihin na nasa moving stage pa rin siya after ng break up nila ni Luis.

Marian magse-serye muna pagkatapos ng Yan

Isang serye naman daw ang pagkakaabalahan ni Marian Rivera pagtapos ng kanyang morning show na Yan Ang Morning.

Ang nasabing serye raw ang reason kaya mamamahinga na ang Yan Ang Morning. Hindi naman daw kasi kayang pagsabayin ni Yan Yan ang morning show at serye pa sa gabi.

Pero naghihintay pa raw ito ng tamang material.

For the meantime, magko-concentrate raw muna si Yan sa pag-aalaga kay Baby Zia na super cute sa mga photo na inilalabas sa social media ng mag-asawang Marian and Dingdong Dantes.

Kahapon ay nag-shoot si Marian ng l­atest endorsement niya for Bench.

Mga sang’gre pumuslit sa taping

Pumuslit sa kanilang taping kahapon ang mga Sang’gre ng Encantadia na sina Kylie Padilla, Glaiza de Castro, Gabbi Garcia and Sanya Lopez para makisaya sa 30th anniversary appreciation lunch ng PhilStar Media Group na binubuo ng Philippine Star, Pilipino Star NGAYON at Pilipino Star Printing (sa imbitasyon ni Tito Ricky Lo).

Nag-draw ng raffle prizes ang apat na Sang’gre na napapanood gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras. Game na game din sa picturan ang apat na Kapuso actress na masaya sa positive response ng fans sa kanilang serye.

Samantala, sa pagpapatuloy ng Encantadia mamayang gabi, nakabalik na si Amihan (Kylie Padilla) sa Encantadia. Ngunit hindi pa panahon magdiwang para sa bagong balik na Sang’gre dahil hindi siya matanggap ng kapatid na si Pirena (Glaiza de Castro). Ibabalita ni Gurna (Vaness del Moral) kay Hagorn (John Arcilla) na hindi pa patay ang batang sinubukan niyang paslangin, na siyang magtutulak kay Agane (Rochelle Pangilinan) na sugurin ang mga Diwata ng Lireo. Isang pagsugod kung saan makikita ni Pirena na mas pinahahalagahan ni Mine-a (Marian Rivera) si Amihan habang si Hagorn naman ay ayaw siyang masaktan.

Kakausapin naman nina Imaw at Aquil (Rocco Nacino) si Mine-a na hayaan ang mga anak nito na mag-sanay sa pakikipaglaban.

Aaminin ni Hagorn kay Agane na anak niya si Pirena at magdadalaga na ang mga Sang’gre!

Pangako ng pagbabago mas tinutukan!

Ayon sa datos ng Kantar Media, nakakuha ng 21.5% national TV rating ang  Pangako ng Pagbabago: SONA 2016 special coverage ng ABS-CBN  sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Lunes ng hapon at pumapangalawa lang umano ang GMA 7’s DU30 Unang SONA  na nakakuha lang ng 14.8%.?? Ang flagship newscast ng ABS-CBN na TV Patrol ay nanguna rin sa rating na 32.2% sa 18.3% ng 24 Oras ayon pa sa Kantar Media.

Gumagamit ang Kantar Media ng 2,610 na kabahayan sa parehong urban at rural areas sa bansa sa pangangalap nito ng datos.??

Maging sa pagpapalabas daw ng SONA sa Facebook ng ABS-CBN News ay nakapagtala umano ito ng 1.7 million views, 1.1 million ng PTV4, 632, 000 sa Rappler, at 510, 000 ng GMA. ??

Samantala, 7.6 million page views naman ang website ng ABS-CBN News na news.abs-cbn.com noong Hulyo 25 ayon pa sa pahayag ng Kapamilya Network.

Ang mga video naman patungkol sa SONA ay umani ng 1.4 million views sa YouTube, kung saan higit 200,000 rin ang nanood ng kabuuan ng SONA.                                                                                  

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with