Smart Music Live sinimulan na, successful ang payanig!
MANILA, Philippines - May panibagong handog ang Smart Communications in partnership with MCA Music, ang Smart Music Live para sa mas updated at kakaibang revolutionary experience ng subscribers.
Successful ang ginawang payanig ng Smart Music Live last July 4, 2016.
Nag-enjoy ang libu-libong Smart subscribers sa isang gabi na pinuno ng kanilang favorite local and international artists featuring Ely Buendia, Up Dharma Down, Crwn, Aegis, Autotelic and Nathan Sykes.
Ang bandang Autotelic na kinabibilangan nina Josh Villena (guitars and vocals), Kai Honasan (keyboards and vocals), Neil Tin (guitars) | EJ Edralin (synth), Timothy “Pabs” Vargas (bass guitar), Gep Macadaeg (drums) ang nagbukas ng show at ilan sa mga kinanta nila ay ang Dahilan, Misteryoso at ang kanilang latest single Gising Na.
Isa rin sa naging highlight ng event ay ang international act ni Nathan Sykes, na dating member ng isang British band na The Wanted at ngayon ay isa na ngang solo artist.
Kinanta niya ang ilan sa mga sikat niyang kanya, ang Over and Over Again, Kiss Me Quick at Almost is Never Enough.
Ilan pa sa dapat abangan ay ang pag-o-organize ng Smart Music Live ng mga perks at meet and greet para sa ilang upcoming concerts ng mga sikat na performers gaya ni Selena Gomez sa July 31, In the Mix featuring Third Eye Blind, Panic! At the Disco, James Bay, Elle King and Twin Pines on August 18; at ni Shawn Mendes’ sa October.
- Latest