^

PSN Showbiz

Meg wagi agad ng isang milyon sa show ni Luis!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Unang linggo pa lang ng nagbabalik na Kapa­mil­ya game show na Mi­nute to Win It ngunit naka­pagbigay na ito ng jackpot prize na P1 milyon dahil sa pagkakapanalo ng aktres na si Meg Im­perial noong Biyernes (Hulyo 22).

“Sobrang thankful ako. Hindi ko akalain na mananalo ako ng P1 milyon kasi sabi ko, e-en­jo­­­yin ko lang ‘to kasi first time kong ma-invite dito, at ito pa ang nangyari,” pahayag ni Meg.

Para sa kanyang Ultimate Challenge, kinaila­ngang makumpleto ni Meg sa loob ng isang minute ang challenge na Office Fling, kung saan gagawing tirador ang goma na nakakabit sa nakatumbang upuan para maipatong ang tatlong piraso ng papel sa isang mesa.

Nag-uwi si Meg ng total cash prize na P1,070,000 matapos makatapat sa Head-to-Head Challenge ang indie actor na si Kiko Matos.

Samantala, mainit namang tinanggap ang pagbabalik ng pinaka-exciting na game show sa bansa, ayon sa datos ng Kantar Media.  Panalo ang pilot episode nito noong Lunes (Hulyo 18) at nagtala ng national TV rating na 16.8% laban sa Wowowin ng GMA (12.8%).

Sa pagpapatuloy naman ng linggo, tuluy-tuloy ang pagtaas nito sa ratings at consistent na nagwawagi laban sa kalaban nitong programa.

Huwag palampasin ang Minute to Win It simula mula Lunes hanggang Biyernes ng gabi bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with