^

PSN Showbiz

Bea at Gerald hinahanapan na agad ng anak!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Parehong single sina Bea Alonzo at Gerald Anderson and they have all the right to fall in love (again), kaya nakakapagtaka kung bakit may haters at bashers ang dalawa. To think na sa Star Cinema movie na How To Be Yours pa lang sila may relasyon at hindi pa sa totoong buhay.

Kaya i-expect natin na may mga mag-iingay pa kapag tapos nang na­ipalabas ang pelikula na showing na bukas, July 27, kapag patuloy na magiging sweet ang dalawa.

Sa lakas ng chemistry nina Bea at Gerald at sexual tension bet­ween them, magugulat kami kung hindi magiging sila.

Sabi ng BeaRald fans, mas halata si Gerald sa pagpakita na love niya si Bea at wish nilang ma-reciprocate ito ng aktres. Napapansin din ang daming pictures ni Bea sa Instagram (IG) ni Gerald at ang ibang pictures ng aktres ay candid. Ikatutuwa ng fans kung ‘yung “Babe” na tawagan nila sa movie ay maging totoo.

Anyway, laging puno ang mall shows nina Gerald at Bea sa pag­po-promote ng How To be Yours, isa itong patunay na gusto ng tao ang tambalan nila at excited na silang mapanood ang dalawa sa pelikula.

Nakakatuwa nga dahil sa pagka-adik ng ibang BeaRald fans, ini-imagine na nila ang hitsura ng mga magiging anak nina Bea na half-British at ni Gerald na half American.

Heart kering magpapalit-palit ng persona!

Dumalo sa SONA ni President Rodrigo Duterte si Heart Evangelista bilang misis ni Sen. Chiz Escudero.

As always, beautiful si Heart sa white dress niyang gawa ni Ivar Raseron. Sarili naman niyang design ang gamit na clutch bag.

Tagumpay na naihihiwalay ni Heart ang pagiging senator’s wife sa pagiging artista niya dahil iba ang dating niya sa mga political event at showbiz event.

Iba rin ang persona niya when it comes to her numerous non-showbiz activities.

Ibang –iba rin ang dating ni Heart sa Juan Happy Love Story at ‘pag napapanood siya bilang si Happy na asawa ni Juan (Dennis Trillo), hindi agad maiisip na kaya niyang makipaghalikan kay Dennis at mag-deliver ng naughty lines.

Isa sa pinaka-successful soap ni Heart ang Juan Happy Love Story hindi lang sa ganda ng feedback at magandang rating. Gusto ng viewers na ma-extend ito at kung hindi man, request nilang pagtambalin uli sina Heart at Dennis ng GMA 7.

Bela magaling magsingit!

Naisingit ng ilang beses ni Bela Padilla na i-promote ang August 24 showing ng Viva Films movie na Camp Sawi nang mag-host siya ng 2016 Philpop last Saturday. Nabanggit nito na isa sa songs sa Philpop ang ginamit na theme song ng movie nila.

Dahil lumabas na sa PBB si Yassi Pressman, makakasama na siya nina Bela, Andi Eigenmann, at Arci Muñoz sa pagpo-promote ng movie na for sure, hindi lang para sa mga sawi.  For everybody ito at hindi rin naman mga sawi ang cast na pare-parehong may love life.

Pati nga si Sam Milby ay may love life at ang nag-cameo na si Dennis Trillo, happy din ang love life.

Hindi lang kami sure kung happy ang love life ng director ng movie at sina Boy 2 Quizon, Pocholo Barretto at Je­rald Napoles.

Encantadia tina-target na rin ang paggawa ng mga laruan

Pati ang cast ng Encantadia ay tuwang-tuwa sa app sa Smartphones na Encantadia Blast.

Puwede na itong ma-download since Friday pa sa Google Play at lahat nang nag-download nag-i-enjoy laruin ang game.

Si Glaiza de Castro nga kinikilig na makitang nasa game silang mga Sang’gre lalo’t wala masyadong pinagkaiba ang hitsura nila nina Gabbi Garcia, Sanya Lopez at Kylie Padilla. Kuhang-kuha ang mga mata niya pati ang pagiging maangas ni Pirena.

Na-hook na rin sa game si Rocco Nacino at tinawag na “handsome fella” ang karakter niyang si Aquil.

Kay Direk Mark Reyes namin unang narinig ang app na Encantadia Blast at nabanggit din nitong may lalabas na Encatadia merchandise at may toys pa na imported daw.

Sa August na magiging available ang merchandise at toys.

Samantala, successful ang mall tour ng cast ng Encantadia sa SM City Rosario, Cavite. Punung-puno ang mall sa tantiyang 15,000 people na dumating para makita ng personal ang buong cast ng fantaserye.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with