^

PSN Showbiz

Jolo at Jodi nagkabalikan na!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Naikuwento sa amin ng Bacoor Mayor Lani Mercado na kinilabutan daw siya nang nakaharap na niya ang mahigit dalawang libong drug pushers at drug users na sumuko sa kanya sa Bacoor.

Bilang alkalde ng naturang lalawigan, maingat ang pag-handle ni Lani sa mga nag-surrender dahil kailangan ma-monitor daw nila nang maayos ang pagbabagong buhay ng mga ito.

Pahayag ni Mayora; “Ipinagdasal namin sila. Nagkaroon ng prayer of deliverance. Kasi mahirap talaga kumbaga ihinto ng biglaan ang bisyo ng droga. Nandiyan ‘yung withdrawal, maraming pagdaraanan.

“Kaya, gagawin naming community-based ang approach. Magkakaroon kami ng activities for them para may close monitoring sa kanila.”

Dahil sa pagsuko ng mahigit 2000 na drug pushers at users, ang napansin daw kaagad nila ay ang pagbaba ng krimen sa Bacoor.

Kaya kailangan din daw nila ng suporta ng gobyerno para sa itinatayo nilang rehabilitation center at assistance sa mga ito. Meron pa nga raw halos apatnapung minors na nag-surrender sa kanila.

PAK: Naintriga kami sa post ng isang writer na isa sa mga staff sa nakaraang PhilPop 2016.

Ipinost niya ang kuha niya kasama ang nag-host sa nakaraang Philpop na sina Bela Padilla, Sam YG, Toni Tony, at Slick Rick.

Sabi niya; “THE THINKING HOSTS. Its always great to work with celebrity hosts who are both smart and intelligent. They just know what to do. They know how to follow instructions. No egos to deal with. As simple as that. What more can I ask for?”

Patama kaya ng writer na ito sa host ng daily show na pinagsusulatan niya dati? Ang latest kasi ay tinanggal ang naturang writer dahil ayaw daw sa kanya ng host nitong daily show.

Ayaw daw kasi ni host na kinukorek nitong writer. Isa lamang iyun sa mga narinig naming ku­wento kaya hindi na pinabalik si writer sa prog­ramang iyun.

BOOM: Isang matamis na ngiti lang ang sagot sa amin ng Cavite Vice Governor nang tinanong namin kung nagkabalikan na ba sila ni Jodi Sta. Maria.

Nakita namin sa post ni Jolo sa kanyang Instagram account na magkasama silang dalawa ni Jodi.

Parang kailan lang ang kuha nito, pero hindi naman kami sinagot ng Vice Governor ng Cavite kung saan, kailan at bakit sila nagkita.

Nakakaintriga lang ang caption sa post nito na; “Just because something isn’t happening for us right now does not mean that it will never happen.”

Si Mayor Lani na lang ang hiningan namin ng reaksyon kung posibleng magkakabalikan ba ang dalawa. Sabi lang niya; “Love will find the way. ‘Yun lang ang masasabi ko. Kung talagang sila para sa isa’t-isa, magiging sila pa rin naman eh.

“Sino ba ako para humadlang if they are really meant for each other? Kung sila ang nagkakatulu­ngan, nagkakasundo at nagmamahalan, sino ba naman ako para humadlang dun?”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with