^

PSN Showbiz

Singer na ex BF nabaliw; ‘Meat shop’ ng dating sexy actress mga pulitiko at heneral ang suki!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Naging karelasyon ng isang kilalang pigura sa mundo ng musika ang isang sexy actress. Nagtataka ang lalaki kung bakit masyadong pabolosa ang buhay ng babae samantalang wala naman itong ginagawang mga proyekto.

Palaging parang may fiesta sa bahay ng sexy actress, nandu’n ang kanyang mga kamag-anak, palaging bonggang-bongga ang kanilang mga salu-salo kahit wala namang okasyon.

Pati ang mga personal na kagamitan ng babae ay puro branded, saan ito kumukuha ng panggastos at panggranatsa, wala namang TV show ang girl at lalong walang pelikula?

Kuwento ng aming source, “Nakipag-break din agad ‘yung musician sa girl, kasi nga, marami siyang tanong na hindi masagut-sagot ng sexy actress. Kinabahan siya, may naisip siyang possibility, tama ang kutob niya!”

Habang karelasyon pala ng sexy actress ang musikero ay meron din itong karelasyong uniformed guy. Ang lalaking ‘yun ang nagbibigay ng lahat-lahat sa girl, bongga kung magregalo ito, milyun-milyon ang gibsung sa kanya.

‘Yun din ang kutob ng musikero, walang ibang puwedeng pagkunan ang sexy actress, siguradong may ginagawa itong kakaibang milagro.

“Saan ka naman makakakita ng ganu’n na wala namang project, ni hindi nagso-show kahit sa mga probinsiya, pero napakabongga ng lifestyle!

“Kung makapagbakasyon sila ng family niya sa ibang bansa, e, napakadalas, para lang siyang namumulot ng datung, sino naman kasi ang hindi magtataka sa klase ng buhay na meron siya?” dagdag na kuwento pa ng aming source.

Maraming pailalim na raket ang sexy actress, alam ‘yun ng mga dati nitong karelasyon, nag-aartista ito pero ang kanyang tunay na negosyo ay “meat shop.”

Ubos!

Pagmamagandang loob ni Alden, minamasama!

Parang isda sa aquarium ngayon si Alden Richards. Palibhasa’y siya ang pinakasikat na lalaking personalidad ngayon, asahan nang lahat ng galaw niya’y tinititigan-minamarkahan, walang pinalalampas na aksiyon niya ang mga taong hindi maligaya sa tagumpay ng kanilang kapwa.

Pati ang biglaang pagdalaw sa amin ng Pambansang Bae ay binibigyan ng kakaibang interpretasyon ng mga taong walang magawa sa buhay. Hindi raw maganda ang ginawa ni Alden, sinolo raw niya ang pagkakataon, inilaglag daw niya si Maine Mendoza.

Bakit daw siya dumalaw sa amin, hindi raw ba alam ni Alden na napipitik namin si Maine sa aming mga kolum, ni hindi man lang binigyan ng espasyo sa kanilang puso ng mga nagmamarunong na ‘yun kung paano rin naming sinuportahan si Maine sa aming panulat sa loob ng halos isang taon.

Dumalaw lang, krimen na, kailangan nang upakan si Alden? Hindi ba naman dapat lang papurihan ang guwapong aktor sa pagsisingit niya ng panahon para makabati ng maligayang kaarawan huwag na sa amin kundi kahit sa ibang taong nagdiriwang ng kaarawan?

Kung sana’y nagsadya du’n si Alden para siraan si Maine. Kung sana’y nagpunta du’n si Alden para magpalapad ng papel. Sa halip na humanga sila sa effort na ginawa nu’ng tao ay siya pa ang dinidikdik ngayon.

Ang hindi ba nagkakagusto kay Maine ay kailangan na ring layuan ni Alden? Magka-loveteam sila, oo, pero may kani-kanya pa rin silang buhay. Walang pakialaman, walang sakalan, kapag wala nang mga camera ay may kani-kanyang prayoridad silang dapat gawin.

May krimen ba sa paglalaan ng panahon para sa mga taong kahit paano’y naging dahilan sa pagkatupad ng ating mga pangarap? Ang tawag du’n ay pagtanaw ng utang na loob at pagpapasalamat.

Ang dapat pansinin ay ang mga personalidad na deadma sa mga nakatutulong sa kanila. ‘Yun ang dapat pabalikin sa eskuwelahan para magrepaso ng GMRC.

Hindi si Alden Richards na sa kabila ng katanyagan ay nakatanim pa rin ang magkabilang paa sa lupa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with