Ate Vi huling tawa nang tawa sa SONA!
Lupang Hinirang ni Bayang Barrios, nasabotahe ng mikropono; Digong 80x pinalakpakan!
SCENE: Pumalpak ang pagkanta ni Bayang Barrios ng Philippine National Anthem sa State of the Nation Address ni President Rodrigo Duterte dahil nagkaroon ng problema sa microphone na ginamit niya.
SEEN: Spotted si Phillip Salvador sa SONA ni Duterte dahil matalik sila na magkaibigan. Madalas na dinadalaw ni Phillip si Duterte noong mayor pa lamang ito ng Davao City.
SCENE: Mahigit sa walumpo ang bilang ng palakpak sa SONA ni Duterte ang report ng ABS-CBN na kontra sa ulat ng GMA 7 na 69 times na pinalakpakan ang speech ng pangulo.
SEEN: Nakunan ng TV camera si Star for All Seasons turned-Lipa City House Representative Vilma Santos-Recto na tawa nang tawa nang sabihin ni President Rodrigo Duterte na makinig ang lahat sa kanyang mga sinasabi at huwag tawa nang tawa.
SCENE: Nahuli ng TV camera si President Rodrigo Duterte na nag-make a face nang magkita sila ni Senator Leila de Lima at nang makipag-hand shake siya sa kontrobersyal na senadora.
SEEN: Sinabi ni Senator Leila de Lima na nasorpresa siya sa ginawang pakikipag-kamay sa kanya ni President Rodrigo Duterte nang mapadaan ito sa harap niya.
SCENE: “Sssh! She’s busy recording her first album! Quiet in the recording studio!” ang patutsada ni Leah Navarro sa hindi pagdalo ni Davao City Mayor Sara Duterte sa unang SONA ng ama nito.
- Latest