^

PSN Showbiz

Direk Brillante nilait at pinuri sa pagdirek ng SONA!

- Salve Asis - Pilipino Star Ngayon

PTV 4 gagawing PBC, mga tauhan sasanayin ng mga taga-BBC! Mga fashion designer ‘di nakaepal!

So ‘yun nga walang patalbugan ng gowns, bags, alahas, etc. etc. sa ginanap na State of the Nation Address (SONA) ni Pres. Rody Duterte kahapon.

Simple-simplehan ang mga damit ng mga kababaihang dumalo .

Maging si Heart Evangelista bagama’t nagpalit ng damit – iba ang sinuot niya sa joint opening session ng Senate and Congress kahapon ng umaga at sa SONA – simple lang din bihis niya nung hapon na.

Si Senadora Nancy Binay ay nagpalit din.  Naka-gown siya nung umaga pero nagpalit siya para sa SONA. Pero tulad sa nangyaring SONA noon, nakatanggap na naman ng katakut-takot na lait. Pati ang clutch na dala niya leche flan daw.

At si Gretchen Barretto, hindi gaanong pabolosa, pero agaw attention. Close siya kay Presidente Digong kay umapir siya.

Si Jinkee Pacquiao naman ay nakatodo-long gown din nung umaga pero nagpalit ng business attire.

Anyway, at least nga naman kahapon kakaiba ang mga eksena. Hindi naagawan ng attention ang pangulo. Nakatutok ang lahat sa kanyang mga sinabi na lahat ay gustong marinig ng mga Pinoy.

Wala ring mga fashion designer and stylish na naaligaga sa pagpo-post sa kanilang social media accounts. Noon kasi, kanya-kanyang paandar ang mga fashion designer na pinagkakaabalahan din ng mga news programs.

Ngayon waley, walang flooding ng mga gown. At lalong walang nag-trending.

Ang trending kahapon si Direk Brillante Mendoza na nagdirek ng SONA.

Siyempre hindi na-typan ng mga tumutok sa SONA ang indie concept cove­rage daw ni Pres. Digong. Meron kasing pagkakataon na nakatutok ang camera sa kamay ng presidente na mabuti na lang daw at bagong gupit ang kuko nito.

Marami ring angle na nasa tagilirang ilalim ng presidente. Buti na lang daw at wala itong kulangot.

Ano raw bang meron sa kamay ni Pres. Digong at madalas ang naging pagtutok dito, tanong ng mga netizen.

At ang matinding comment, hindi raw nila natagalan ang mga anggulo kaya pinatay na lang nila ang TV at nakinig na lang sila sa radio.

 ‘Yan ay kahit na alam nating lahat na nanalong best director si Direk Brillante sa Cannes.

Pero kung may mga pintas, may mga naka-appreciate naman sa mga pailalim na kuha ni Direk Brillante. Dramatic daw ito at ang lakas maka-cinematic effect.

Kakaiba raw at may tama sa puso ang mga anggulo.

Pero ang pinaka-bongga sa lahat ay si Phillip Salvador na super close  sa pangulo. Kasama talaga siya sa mga naghatid palabas ng session hall kay Pres. Digong. Kung sabagay ang sabi sa balita, madalas na noon si Kuya Ipe sa Davao, mayor pa lang si presidente.

Pero kahit ano pang puna at sabihin ng mga netizen, lahat ay nagkaroon ng pag-asa sa kanyang mga binanggit sa SONA lalo na ang pangako ni Pangulong Duterte na pagbaba ng binabayarang tax at ang free wifi sa maraming lugar sa bansa kasama na ang library.

Aabangan din ang magiging pagbabago sa PTV 4 kung saan binanggit ng pangulo iti-train ng mga taga-BBC ang mga tauhan ng government network  na magiging People’s Broadcasting Corporation (PBC) na.

At ang Radyo ng Bayan, magkakaroon ng pagba­bago at magtatatag sila ng Muslim Station at Lumad Station.

Birthday ni Sarah, tahimik at walang paramdam

Kahapon ang birthday ni Sarah Geronimo pero wala siyang paramdam sa fans niya sa social media o maging ang boyfriend niyang si Matteo Guidicelli kung anong naging ganap sa kanyang kaarawan. Nasa abroad si Matteo para sa Dolce Amore kaya siguro walang naging surprise for Sarah.

Kahit naka-showbiz break si Sarah, naging mai­ngay ang mga ginagawa niya tulad ng pagpo-pole dancing, gym, at ang umano’y pagsali nito sa Iron Girl sa August.

Maligayang kaarawan Sarah.

Gabbi Garcia inspired magtrabaho 

“Indescribable” ang feedback na nakuha ng Encantadia mula sa Kapuso viewers matapos ang pilot week nito noong nakaraang linggo. Kaya naman labis labis ang pasasalamat ng lead stars nito sa mga netizens na patuloy ang suporta sa iconic GMA telefantasya.

Para kay Kapuso actress Gabbi Garcia na gaganap bilang Sang’gre Alena sa GMA Telebabad show, inspirasyon ang binibigay ng reactions na ito ng mga viewers sa Encantadia.

“Ang sarap sa feeling kasi kami mismo, iisa ‘yung goal namin which is magustuhan nila (viewers) [‘yung show]. Kaya ‘yung passion namin and ‘yung pagmamahal namin sa show, ang sarap sa feeling na nata-transfer din namin sa viewers. Pati sila, inaabangan na nila gabi-gabi,” masayang bulalas ni Gabbi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with