^

PSN Showbiz

Kinanta ng Itchyworms wagi sa PhilPop! Staff nabuwisit Vice nilayasan daw ang taping, Bea at Gerald guest sana!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nakarating si Yassi Pressman sa Finals Night ng PhilPop 2016 na ginanap sa Kia Theater kamakalawa ng gabi.

Si Yassi ang interpreter ng kantang Dumadagundong na likha nina Mike Villegas at Brian Cua.

Nasa Pinoy Big Brother (PBB) pa kasi si Yassi, kaya ang ibig sabihin nito ay nakalabas siya ng Bahay ni Kuya sa Vietnam.

Hindi lang nagwagi ang entry nina Yassi, pero suportado naman ito ng fans.

Nagwagi sa PhilPop 2016 ang kantang Di Na Muli na in-interpret nang bonggang-bongga ng bandang Itchyworms. Likha naman ito nina Jazz Nicolas at Wally Acolola. First runner-up ang kantang Lahat na likha ni Soc Villanueva at in-interpret ni Jason Dy. Napiling 2nd runner-up naman ang kantang Tinatangi nina Miguel at Paolo Guico na in-interpret nina Bayang Barrios at Cookie Chua.

PAK: As of presstime, hindi pa namin napanood ang Gandang Gabi Vice. Kung replay ang ipinalabas na episode kagabi, maaaring totoo ang nakara­ting na kuwento sa aming nag-walk-out daw si Vice Ganda sa taping ng episode na dapat iti-tape nito.

Ayon sa kuwento, iti-tape daw dapat ang promo ng pelikulang How To Be Yours nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Alas-singko ng hapon daw dapat ang roll, pero alas-tres ng hapon pa lang dumating na si Vice at gusto raw niyang maagang mag-roll dahil may lakad siya.

Kaya nagmadali ang production staff na ayusin ang episode na iyun. Nakita raw niya sa studio na inaayos pa ang LED TV sa set dahil hindi gumagana. Nagsabi raw itong ‘pag 10 minutes hindi pa ayos ay aalis na siya.

Pagkalipas ng mahigit sampung minuto, hindi pa naayos ang malaking TV sa studio kaya biglang umalis ito. Hinabol pa raw ng EP nila para pakiusapan pero biglang exit na rin ang komedyante-TV host.

Hindi namin nahingan ng panig si Vice kaugnay sa kuwentong ito kaya sana sagutin niya kung totoo ba ito o hindi. Ano ba talaga ang dahilan kung bakit hindi man lang siya nakapaghintay gayung alas-singko naman talaga ang napag-usapang oras ng roll? Totoo bang irita sa kanya ang taga-Star Cinema dahil sa ginawa niya?

BOOM: Kung si Judy Ann Santos ang masusunod, hindi na raw siya aalis ng bahay para alagaan ang bunsong anak nila ni Ryan Agoncillo na si Luna, at subaybayan ang pag-aaral nina Yohan at Lucho. “Ang hirap iwanan lalo na ngayon na medyo nalalaro mo na siya. She’s so adorable! Sobrang likot niya,” tsika ni Judy Ann tungkol kay Luna.

Anim na buwan na si Luna at naloloka raw siya kay Lucho dahil humihingi pa raw ito ng kapatid na lalaki. “Sabi ko sa kanya, ‘anak hindi pa puwede, under renovation pa si Mommy,” natatawang pahayag ni Juday.

Pero kung okay na raw siya at ibibigay daw ng Diyos na madagdagan pa sila ng isa pang anak, okay na okay lang daw sa kanya.

Sa ngayon ay abala muna si Judy Ann sa paghahanda sa promo ng indie film niyang Kusina na entry sa nalalapit na Cinemalaya Film Festival.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with