^

PSN Showbiz

Piolo ayaw isantabi ang relasyon nila ni Juday

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Huling nagkatambal sina Judy Ann Santos at Piolo Pascual sa pelikulang Don’t Give Up On Us mahigit isang dekada na ang nakalilipas. Mula noon ay hindi na muling nagkatambal sina Judy Ann at Piolo kaya marami ang nag-aakalang may tampuhan sa pagitan ng dalawa. “Natatawa ako kasi parang ang feeling ng mga tao ay magkagalit kami. Hindi kami magkagalit, nagbabatian kami kapag nagkikita kami,” nakangiting bungad ni Judy Ann.

Ayon sa aktres ay napagkakamalan silang magkagalit ni Piolo mula nang hindi na muling nagkasama sa mga proyekto. “We’re older now, we’re more matured. Maybe nama-magnify lang ng mga fans siguro ‘yung thoughts na kapag nagkasalubong o nagkita,” giit ni Juday.

Para naman kay Piolo ay matagal na nilang naayos ng aktres kung ano man ang naging problema nila noon. “Siyempre, hindi naman pwedeng isantabi mo lang ang relationship n’yo, ‘yung pinagsamahan n’yo,” pahayag ni Piolo.

Sa katunayan ay may naisip na raw ang aktor na konsepto para sa posibleng reunion project nila ni Juday. “I actually pitched it to her already through Direk Joyce (Bernal) and nagustuhan naman daw po niya. Siguro ‘yung time lang po,” pagbabahagi ng aktor.

?Coco sinabihan ang kapatid na ‘wag siyang tularan

Sumabak na rin ang nakababatang kapatid ni Coco Martin na si Ron Martin sa paggawa ng independent films. Maraming indie movies na ang nagawa ni Coco noong nagsisimula pa lamang ang aktor sa show business.

Kabilang ngayon si Ron sa pelikulang Tuos at Pamilya Ordinaryo. Kalahok ang dalawang pelikula sa Cinemalaya Film Festival 2016. Ayon kay Ron ay hindi raw niya kaya ang ginawang pagpapaseksi noon ng kanyang kuya sa mga pelikula. “Hindi po eh, magkaiba po kami. Ayaw po ni Kuya ng gano’n. Ayaw po eh, sinabi niya sa akin. Ayaw po niyang pagdaanan ko ‘yung ginawa niya dati,” pagtatapat ni Ron.

Hindi na raw ipinagpaalam ng baguhang aktor kay Coco ang ginawa niyang daring scene kasama si Barbie Forteza sa Tuos. “Nakakahiya na kinakabahan ‘yung pakiramdam ko. First time ko pong ginawa ‘yon, tapos may mga kamera pa kaya hiyang-hiya po ako siyempre. Nalaman niya (Coco) na lang po no’ng pag-uwi ko. Wala naman siyang sinabi nang nalaman niya. Saka hindi naman daring talaga. Naka-brief naman ako do’n,”nakangiting kwento ni Ron.

Maging ang paglabas sa telebisyon ay hindi raw gusto ni Coco para sa nakababatang kapatid. “Indie po muna sabi ni Kuya, dito raw po muna ako. Sabi ko naman, sige lang, okay lang din naman sa akin. Kasi ‘yung TV po ‘di ko pa alam kay Kuya. Sa tingin ko po kasi ‘di pa rin ako ready. Pero kung sakali, gusto ko parehas kami ni Kuya (sa ABS-CBN), gusto ko action-drama,” pagbabahagi ni Ron.

Madalas na pinangangaralan ang baguhang aktor ng kanyang kuya pagdating sa trabaho. “Sabi niya, huwag daw akong male-late, professional daw dapat. Kaibiganin dapat ang mga co-actors. Aralin ko rin daw mabuti ‘yung script,” pagtatapos ng binata.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with