^

PSN Showbiz

Young actress na matindi ang disiplina sa pera, walang suwerte ang lovelife!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Marunong pala talagang humawak ng pananalapi ang isang maganda at popular na female personality. Malaki na ang kanyang ipon, mismong mga kaibigan niya ang nagsasabing hindi na siya maghihirap kapag tapos na ang kanyang panahon, nakapagtabi na nang sapat para sa kanyang kinabukasan ang magandang young actress.

Bukod sa hindi na siya gastadora ay hindi rin siya basta-basta nagpapakawala ng pera kahit mga kadugo na niya ang nangangailangan. Kailangan munang maglabas ng ebidensiya ang humihingi ng tulong para makumbinse siyang maglabas ng datung.

Kuwento ng aming source, “Marunong talaga siya sa pera. Kapag pera na ang pinag-uusapan, magaling siya talaga. To see is to believe yata kasi ang motto niya sa buhay, kaya ganu’n siya.

“Kunwari, may kailangang bilhing gamot ang kahit sino sa family niya, kailangang may reseta ‘yun, may presyo rin dapat, dahil kung wala, hindi muna siya maghahatag ng datung.

“Kailangang may ebidensiya, meron dapat pruweba, para magpakawala siya ng pera sa bulsa niya. Ganu’n siya kahusay sa pera,” simulang kuwento ng aming impormante.

Kahit sa kanyang personal na kapakanan ay matindi ang disiplina ng young actress. Habang nagpapabonggahan ang mga kasamahan niya sa mga brand ng make-up, simple lang siya, bumibili lang siya ng kailangan niya sa araw-araw.

“May ibang artista na kapag manipis na ang laman ng foundation, e, nagpapalit na sila, ‘di ba? Pero si ____(pangalan ng maganda at popular na young actress), kailangan muna niyang makita ang lata ng foundation, sisimutin niya muna ang laman, bago siya magpalit.

“Ganu’n siya katipid, ganu’n siya kahusay humawak ng pinaghihirapan niyang pera, kaya mayaman na siya at hindi na maghihirap pa.

’Yun nga lang. May pera nga siya, pero maligaya ba naman siya sa buhay? Hindi kasi siya lucky sa lovelife niya, ‘yun lang!” pagsasarado sa kuwento ng aming impormante.

Alden at Maine ?pasan-pasan ang rating ng Eat Bulaga?

Nakakaalarma ang madalas na pagdidiin ng katapatang programa ng Eat Bulaga na inilalampaso na sila nito. Malayo na raw ang kalamangan sa rating ng It’s Showtime sa noontime show na mahigit na tatlong dekada nang namamayagpag.

Mula sa pagiging kulelat nu’ng kasagsagan ng kasikatan ng tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza ay nakabuwelta na uli ang grupo. Sila naman ang nagsasabing kinakabog nila palagi ngayon sa rating ang Eat Bulaga.

Natural lang naman ang parang pagiging ferris wheel ng ratings game. Minsang nasa itaas ang isang show, minsang nasa ibaba naman, paikut-ikot lang ‘yun pero ang mahalaga ay nand’yan pa rin ang programa at patuloy na nagbibigay ng saya sa ating mga kababayan.

Dahil du’n ay maraming nagpapalagay na sawa na ang manonood sa mga pinaggagagawa nina Alden at Maine, ibang prutas na raw ang gusto ngayon ng publiko, dahil umay na umay na sila sa AlDub.

Pero hindi naman dapat ibintang ang pagbaba ng rating ng Eat Bulaga kina Alden at Maine. Hindi lang naman sila ang ibinebenta ng show, sangkatutak ang kanilang hosts, hindi rin puwedeng sabihin na wala nang dating ang pagkokomedya nina Jose Manalo at Wally Bayola.

Nakakaawa naman ‘yung mga tao kung sa kanila lang ipasusunong ang lahat ng sisi, napakalaking programa ng noontime show ng TAPE, Inc., lahat sila ay may dapat iambag at dapat gawin para muling maghari sa rating ang noontime show.

Kailangang upuan ng kanilang creative team ang lahat ng anggulo, baka naman may mga bahagi ang kanilang programa na kinauumayan na ng manonood kaya naghahanap na ng iba, hindi dapat ipaako ang pagbuhat ng krus ng programa kina Alden Richards at Maine Mendoza.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with