^

PSN Showbiz

Pauleen nagpapapayat para mabuntis agad-agad?!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Parang pumapayat na si Pauleen Luna. Sa kanyang mga latest post sa Instagram, kitang nabawasan na ang kanyang timbang.

Napabalita kamakailan na kung talagang gustong magkaanak ni Mrs. Vic Sotto, kailangan daw talaga nitong magpapayat na payo ng kanilang doctor.

So ‘wag tayong magulat kung isa sa mga araw na ito ay makabuo na sila ng kanyang mister na si Bossing Vic.

FAMAS nagsimula nang mag-review

Nagre-review na pala ang FAMAS Awards ng mga entry para sa kanilang 64th Awards Night na gaganapin sa October 16, 2016. Lahat ng mga pelikulang commercially shown mula noong January to December 2015 kasama na ang Metro Manila Film Festival (MMFF) entries ay puwedeng pagpilian.

Ang FAMAS ang itinuturing na oldest award giving body sa bansa.

Ang FAMAS ay kasalukuyang pinamumunuan ng kanilang president na si Ms. Francia Cheche Conrado.

For inquries, please call 0923-9754581.

Coverage ng SONA pagalingan din

Ngayong araw na magaganap ang State of the Nation Address (SONA) ni bagong Pangulong Rody Duterte.

Bukod sa mga sasabihin ng pangulo, inaabangan din ang mga sinusuot ng celebrities na asawa ng mga pulitiko at ibang mga personalidad na dumadalo sa nasabing okasyon.

Pero kakaiba ngayon dahil sa pakiusap ng Malacañang na bawal ang pabonggahan ng damit, alahas, bag, kotse, etc. etc. na karaniwang tanawin sa mga nakalipas na SONA.

Pati nga mga TV reporter na naka-assign sa Congress todo bihis na rin para makasabay sa fashion sa mga nakalipas na SONA.

Ngayon, tiyak na walang ganyang eklayan. Pati raw sa mga kakainin tipid-tipid din.

Anyway, aabangan din ang patalbugan ng coverage ng tatlong channel – ABS-CBN, GMA and TV5.

Ang ABS-CBN, Pangako ng Pagbabago: SONA 2016, ay nangako ng kanilang pagtutok sa pamamagitan ng live, up-to-date na mga report at full coverage sa iba’t ibang plataporma - ABS-CBN, ANC, the ABS-CBN News Channel, DZMM 630, DZMM TeleRadyo, news.abs-cbn.com, at iba’t ibang social media accounts ng ABS-CBN News.

Sina Ted Failon at Lynda Jumilla ang mangunguna sa special coverage na magsisimula sa 3:20 p.m.. Sa kanilang ANC, magsisimula ng 5:30 a.m. sa  Mornings@ANC kung saan makakasama nila ang ilan sa mga kasalukuyan at nakaraang opisyales ng gobyerno. Susundan naman ito ng Headstart  ni Karen Davila pagpatak ng 8:00 a.m., Market Edge ni Cathy Yang ng 9:00 a.m., at ang News Now na si Nancy Irlanda sa ganap na 10:00 a.m.

Ang pre-SONA special naman umano sa naturang channel ay magsisimula ng 1:00 p.m. na hahalilinan ni Davila, at susundan ni Yang ng 2:30 p.m. Sina Tony Velasquez at Karmina Constantino ang uupo para sa SONA coverage proper, kasama ang kanilang mga special guest na sina Teddy Locsin, Jr. at Prof. Prospero de Vera, habang tatalakayin naman ni TJ Manotoc ang usap-usapan sa social media. Para sa pagtatapos ng SONA coverage sa ANC, magkakaroon ng isang espesyal na episode ang  Talkback with Tina Monson Palma pagpatak ng 7:00 p.m.

Malawak din ang coverage nila sa DZMM 630 na sisimulan sa ganap na 12:00 nn kasama si Julius Babao.

Sa GMA 7 naman buong-puwersang ihahatid ng  GMA News, ang Du30: Unang SONA.

Mula sa loob ng Batasang Pambansa sa Quezon City, tututukan ng special coverage na pangungunahan nina GMA News pillars Jessica Soho at Mike Enriquez ang SONA ng pinakaunang pangulo ng bansa mula sa Mindanao.

Tampok din sa Du30: Unang SONA ang mga masusing analysis at special report, at updates sa mga pangyayari mula sa Commonwealth Avenue at sa iba pang panig ng bansa habang nagaganap ang SONA sa Kongreso.

Mapapanood din sa primetime newscast na 24 Oras ang highlights ng SONA   kasama na ang pinakamalalaking balita sa loob at labas ng Kongreso.

Edu ayaw sumawsaw sa isyu ni Luis

Ayaw daw mag-react ni Edu Manzano sa kontrobersiyal na lovelife ng anak niyang si Luis Manzano.

Kahit mga kaibigan na niya ang nagtatanong tungkol dito, dedma raw si Edu.

Katuwiran umano nito alam na ni Luis ang tama at mali.

Kung sabagay may point naman.                                             

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with