^

PSN Showbiz

Piolo may dalang balita sa ASAP

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isa na namang haligi ng industriya ng OPM ang paparangalan ngayong Linggo (July 24) sa pagbalik-tanaw ng ASAP sa musika ng OPM icon na si Willy Cruz sa hit segment nito na ASAPinoy.

Pangungunahan ng Tribute Master na si Martin Nievera ang selebrasyon na sasamahan din ng ibang OPM artists na sina Nonoy Zuniga, Hajji Alejando, at Leo Valdez.

Samantala, magbabalik naman sa ASAP stage ang ultimate heartthrob na si Piolo Pascual dala ang isang malaking balitang hindi ninyo dapat palampasin.

Tunghayan ang special concert treat na handog nina Maja Salvador, Gerald Anderson, at ng Teen King na si Daniel Padilla at maki-jam kasama sina Iñigo Pascual at Die­go Loyzaga.

Kiligin naman sa pagsasama ng mga bituin ng ina­abangang pelikulang How to be Your’s na sina Bea Alonzo and Gerald Anderson.

Mas sasaya ang Linggo sa isang all-star teenvasion kasama sina Jerome Ponce, Joshua Garcia, Grae Fernandez, Darren Espanto, Loisa Andalio, Cassy Legaspi, Brenna, Andrea Brillantes, Bugoy Carino, at ang Lucky Aces.

Sumabay sa kantahan ng ASAP LSS kasama sina Richard Poon, Liezl Garcia, Nina, at Jolina Magdangal na handog ang mga awitin para sa iba’t ibang kwento ng sakripisyo.

Huwag palalampasin ang ASAP ngayong Linggo (July 24), 12:15pm, sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

I-tweet na ang iyong reaksyon o opinyon sa show sa Linggo gamit ang official hashtag na #ASAPSupahShower.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with