^

PSN Showbiz

Showtime nakaka-recover na sa matinding bagyo ng AlDub!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Masaya ang mga taga-It’s Showtime at maging ang ABS-CBN dahil mukhang level up na ang show sa kalaban nilang programa.  

Kita naman sa paghu-host nina Vice Ganda, Anne Curtis, Billy Crawford, Vhong Navarro, Ka­rylle, Mariel Rodriguez-Padilla, Amy Perez, Jugs and Teddy at Jhong Hilario, ang kanilang excitement sa kanilang trabaho na minsan ay naitaob at na-threatened ng kasabay na palabas pero, bawing-bawi na sila ngayon.

Salamat sa Tawag ng Tanghalan segment na hindi lamang nagtatampok ng magagaling na amateur singer kundi nagpapakita pa rin ng magagandang istorya ng mga kalahok na nagmula sa lahat ng panig ng bansa. Nakakahinayang nga yung mga nanggagaling pa sa malala­yong lugar na nago-gong lamang nina Jhong at maging ni Ryan Bang.

Wala naman silang magawa kundi ang umiyak na lamang dahil ipinaaalam naman sa kanila ng judges na sina Rey Valera, Louie Ocampo, Yeng Constantino, Kyla, K Brosas, Nyoy Volante, Karla Estrada, Mitoy Yonting Karylle, Billy Crawford, Erik Santos at, lately, si Jaya kung saan sila nagkamali’t nagmintis.

Hindi lamang ang Tawag ng Tanghalan sa Showtime ang nagbibigay ng maraming mano­nood sa pangtanghaling palabas ng Kapamilya.

Patok din ang Trabahula hindi lamang sa pang­huhula ng mga kilalang artista at personalidad ng mga  tunay na trabaho ng apat na kalahok na pinahuhulaan  araw-araw.

Pinanonood din ang Kembotitas na para sa mga may edad nang babae na pinasasayaw at pinipili ang pinakamagaling sa pagtatapos na ng programa.

Hindi naman nakakagulat ang rating ng IS kahit pa nung araw na nagdiwang ng anibersaryo ang phenomenal loveteam ng Eat Bulaga.

Baka nagsasawa na rin ang manonood sa TV sa araw-araw na gawain ng sikat na pareha at mas enjoy na sila sa masasayang segments ng IT. Plus humahatak na rin ng manonood ang Hashtags at GirlTrends.

Bela personal choice si Dennis 

Kasama si Dennis Trillo sa pelikulang Camp Sawi. Personal choice siya ni Bela Padilla para makasama sa movie na mabilis na sinangayunan ng boyfriend nitong si Neil Arce na isa sa mga prod­yuser ng movie.

Nabalitaan na kasi ni Neil ang kahusayan ng Kapuso actor at ang professionalism nito.

Alam ito ni Bela dahil nakatrabaho na niya si Dennis. Kasama rin sa Camp Sawi ang dating frontman ng Rivermaya na si Rico Blanco na kay Arci Muñoz naman natoka.

ToFarm may songwriting na rin

Natapos na ang ToFarm Film Festival ni Maryo J. delos Reyes.

Ginanap na rin ang awards night para dito na kung  saan ay nanalo sina  Bembol Roco at  Gabby Cabalic, Best Actors for  Pitong Kabang Palay and Paglipay  na nanalong  2nd Best Film habang Best Actress naman si Cherry Pie Picache  para sa pelikulang Pauwi Na na kinuha ang Jury Special Award.

Mapapanood pa rin ang mga pelikula ng ToFarm Filmfest hanggang July 26 sa mga sinehan ng SM.  Agad isusunod dito ang ToFarm Songwriting competition.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with