^

PSN Showbiz

Guesting ni Kris sa show ni Marian lagapak ang rating! Young actress na paasa, mabilis nakarma!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Extended pa raw ng isang buwan ang Yan ang Morning ni Marian Rivera. Sa totoo lang, another extension pa ito pero naging maganda ang feedback at ratings nitong bandang huli, pero gusto na rin ni Marian na magpahinga muna at mag-focus kay Baby Zia.

Pero nag-enjoy si Marian sa bagong concept ngayon ng morning show niyang nag-iikot sila sa ilang bahagi ng Maynila at personal nakakasa­lamuha ang mga fans niya. Pero dapat 6:00pm pack-up na dahil kailangang umuwi agad ni Marian para sa kanyang baby.

Samantala, napag-alamang hindi pala pumalo nang husto sa rating ang guesting ni Kris Aquino sa Yan ang Morning. Nakakuha lang pala ito ng 2.9 percent sa NUTAM survey. Mabuti pa nga ang episode nina Lorna Tolentino at mga anak niyang sina Ralph at Renz Fernandez na nakakuha ng 3.8 percent  at sunud-sunod nang mataas ang mga kasunod na episodes.

PAK: Tawang-tawa si gwapitong aktor nang na­ka­rating sa kanya ang kuwentong naunsyami si magandang young actress sa isang lalaking nanliligaw sa kanya.

Kasi naman, asang-asa na si young actress na maging syota siya ng guwapong nanliligaw sa kanya na anak ng mayamang Chinese businessman.

Bongga kung magregalo ng mga mamaha­ling flowers at kung anik-anik kay young actress. Pero isang araw, tinapat ni guwapong manliligaw si young actress na mas gusto pala niyang friends na lang sila.

Wala palang balak na syotain siya dahil ang dami naman palang magagandang girls ang pinupormahan nitong lalaki. Kaya sobrang na-disappoint si young actress dahil ang buong akala niya magiging girlfriend na siya nitong guwapo at mayamang manliligaw pero hindi naman pala. Pinaasa lang siya nito ng bonggang-bongga.

Kaya nung nakarating kay guwapong aktor na nanligaw din dito kay young actress, tawang-tawa siya nang bonggang-bongga dahil kinarma daw agad si young actress na nagpaasa din sa kanya.

BOOM: Nakabalik na si Benjie Paras mula sa ilang linggong pamamalagi niya sa Amerika para ayusin ang paghahanap ng school ni Kobe Paras.

Ibinalita sa amin ni Benjie na okay na raw si Kobe nang hinatid niya sa Omaha, Nebraska para doon na mag-aral. Sa Creighton University na siya nag-enroll at okay na raw ang bagets doon at mabilis siyang nakapag-adjust.

Nag-post na nga si Kobe na suot niya ang sando na may tatak na Creighton at may caption na “I rock CU blue on these…”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with